• May 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Mix and match’ trial sa COVID-19 vaccines sasalang sa Hunyo

Sisimulan na sa susunod na buwan ang pag-aaral sa ‘mix-and-match’ ng COVID-19 vaccine brands habang ang bansa ay hindi pa nakatatanggap ng matatag na supply ng mga doses.

 

 

Ayon kay Science and Technology Sec. Fortunato dela Peña, ang mi­xing and matching trial ay tatagal ng 18-buwan na lalahukan ng 1,200 indibiduwal.

 

 

Hinihintay na lamang ng DOST ang pag-apruba ng Food and Drug Admi­nistration (FDA) at Health Research Ethics Board bago simulan ang trial.

 

 

“Ito po ay magkaibang bakuna sa 2 doses. Me­ron po tayong 7 bakuna na approved with an EUA (emergency use authorization) pero ’di po natin masiguro kung darating sa tamang petsa yung kailangang second dose kaya mangangailangan tayo na magkaroon ng kombinasyon ng bakuna,” paliwanag ni dela Peña.

 

 

“Gagamitin po ‘yan para magkaroon tayo ng basis kung alin ang magandang ipag-mix. Puwede naman lahat ’yan kaya lang titingnan ano ang mas magandang kombinasyon.”

 

 

Nakapokus ang pag­hahalo sa Sinovac at sa iba pang brand na mayroon pa ang bansa.

 

 

Magmumula ang mga participants sa Manila, Rizal, Pasig, Makati, Pasay, Muntinlupa, Cebu at Davao, ani  Dela Peña.

 

 

Nauna nang sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez na layunin ng gobyerno na makapagbakuna ng 120,000 katao kada araw sa Metro Manila at  500,000 sa mga pangunahing sentro ng ekonomiya sa buong bansa sa Nobyembre.

 

 

Kailangang mabakunahan aniya ang nasa 70 milyon o 2/3 ng populasyon bago magtapos ang taon upang makamit ang herd community. (Daris Jose)

Other News
  • Aces, Bolts, Hotshots, NLEX magsisibalikwas

    BABAWI sa unang mga pagsemplang ang apat na koponan sa pang-apat na araw ngayon ng 45 th Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup 2020 elimination round bubble sa Angeles University Foundation Sports Arena and Cultural Center sa Pampanga.   Magbabanatan sa tampok na giyera sa alas-6:45 nang gabi ang Magnolia Chicken Hotshots (0-1) at North […]

  • 30th FIBA Asia Cup 2021 qualifier 3rd window tagilid

    NAMEMELIGRONG mapagpaliban ang 30th International Basketball Federation (FIBA) Asia Cup Men’s Basketball Championship 2021 qualifier third window sa Angeles University Foundation Sports Arena and Cultural Center at sa Clark Freeport sa Angeles City, Pampanga sa Pebrero 15-23.   Ito ay bunsod sa natuklasang mabilis na nakakahawang bagong variant ng Coronavirus Disease 2019 o COVID-19 na […]

  • Drug pusher nalambat sa Caloocan buy bust, P340K shabu, nasamsam

    PINURI ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director P/MGen. Jonnel Estomo ang Caloocan City Police sa kanilang matagumpay na kampanya kontra illegal na droga na nagresulta sa pagkakaaresto sa isa umanong notoryus drug pusher na listed bilang High-Value Individual (HVI) at pagkakakumpiska sa higit P.3 milyon halaga ng shabu.         Kinilala […]