Mga opisyal ng NFA na nasa ilalim ng imbestigasyon, hinikayat na boluntaryong mag-leave of absence
- Published on March 5, 2024
- by @peoplesbalita
HINIKAYAT ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang mga opisyal ng National Food Authority (NFA) na iniimbestigahan sa di umano’y hindi tamang pagbebenta ng NFA buffer stock rice sa subsidized price na boluntaryong mag- leave of absence (LOA).
Sinabi ni Laurel sa mga kinauukulang opisyal na pahintulutan ang investigating panel ng Department of Agriculture’s (DA) na rebisahin at i-assess mabuti ang bagay na ito ng “without hindrance.”
“The best thing is, and I strongly advise them, to take a leave of absence… at least the heads, the accused, and the accuser,” ayon sa Kalihim.
Gayunman, tiniyak ni Laurel na ang sinuman ay ipinapalagay na inosente, kinokonsidera ang pagpapalitan ng alegasyon sa loob ng NFA.
“Until proven guilty, everyone is innocent. But this internal investigation is very important so let’s give it time,” ang tinuran ni Laurel.
Sinabi pa nito na ang imbestigasyon ay unang hakbang lamang at ang mga susunod na aksyon ng departameno ay ikakasa lamang sa oras na lumabas na ang resulta ng imbestigasyon.
Hindi naman nagbigay ng deadline si Laurel, gayunman, inaasahan ng Kalihim ang mabilis at tamang assessment result.
Nauna rito, sinabi ni NFA Assistant Administrator for Operations Lemuel Pagayunan na mayroon di umanong bentahan ng 75,000 bags ng NFA rice na hindi dumaan sa public bidding.
May kinalaman di umano ito sa mahigit na P93.7 milyong halaga ng NFA rice, ipinagbili sa mga piling millers at traders sa presyo ng P25 per kg.
Samantala, sinabi ng DA na iginigiit ng mga opisyal ng NFA na ang pagbebenta ay sumunod sa tamang pamamaraan at hayagang itinanggi ang anumang iregularidad. (Daris Jose)
-
Tsina, sinusubukan na pagwatak-watakin ang mga Filipino gamit ang iginigiit nitong “gentleman’s agreement”- NSC
SINABI ng National Security Council (NSC) na ang salaysay ng Beijing ukol sa sinasabing ‘gentleman’s agreement’ sa West Philippine Sea (WPS) ay nakagagambala, nakalilito at naglalayon na pagwatak-watakin ang mga mamamayang Filipino. Kapuwa inihayag ng Tsina at ni dating presidential spokesperson Harry Roque, na ang sinasabing pagkabigo ng Pilipinas na sumunod sa di umano’y kasunduan […]
-
Gilas Pilipinas pamatayang 3 sentro – Fajardo
MAGIGING astig ang gitna ng Gilas Pilipinas para sa 19th International Basketball Federation (FIBA) World Cup 2023 na mga iho-host ng bansa sa pamamagitan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas, Japan at Indonesia. Ito ang nakikita ni veteran internationalist June Mar Fajardo dahil sa trio center ng national men’s basketball team para sa quadrennial […]
-
Ban sa marijuana alisin, parang kape lang – Durant
KUNG si Brooklyn Nets star Kevin Durant ang tatanungin, ang paghithit ng marijuana ay kaparehas lang ng pag-inom ng kape. Kaya naman dapat aniya ay tanggalin na ito sa banned substance list ng NBA, dahil hindi naman umano ito nakakasama sa kahit sino. “Everybody on my team drinks coffee every day. Taking caffeine […]