• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga ospital sa Metro Manila, humirit pa ng bakuna

Dahil sa patuloy na  pagtaas ng kumpiyansa sa bakuna, humihingi na rin ang mga empleyado ng East Avenue Medical Center sa Quezon City ng karagdagang Sinovac vaccine.

 

 

Ayon kay Dr. Dennis Ordoña, Spokesperson ng naturang ospital, mas dumami na ang mga health workers ang nais ngayon magpabakuna makalipas ang tatlong araw na vaccine rollout.

 

 

Base sa kanilang listahan, 100 lamang ang unang nagparehistro para magpabakuna kahapon mula sa 1,200 na mga empleyado nito at  nagulat sila ng malamang ang 175 pa nilang empleyado ay nais na ring magpabakuna ng Sinovac Vaccine.

 

 

Ikinatuwa naman ito ni Dr. Odoña kasabay ng apela sa Department of Health na dagdagan ang naunang dosage na ibi­nigay sa kanila.

 

 

Una ng nabigyan ng 300 dosage ng Sinovac Vaccine ang East Avenue Medical Center noong Martes kung saan unang nabakunahan ang Medical Chief na si Dr. Alfonso Nuñez at Head Nurse na si Rose Marie Reyes ng ospital. Magugunitang humirit na rin ka­makalawa ng dagdag na bakuna ang Philippine General Hospital makaraang tumaas ang bilang ng kanilang mga health workers na nagnanais nang magpabakuna.

 

 

Ang San Lazaro Hospital din, ay sinasabing kinakapos na rin sa baku­na makaraang magpasya ang marami nilang health workers ang nagpasya na maturok sa kanila ang Sinovac vaccine.

Other News
  • Government employees, sang-ayon na babaan ang edad sa pagreretiro

    BUKAS ang ilang mga empleyado ng gobyerno sa hakbang ng House of Representatives na babaan ang kanilang opsyonal na edad sa pagreretiro mula 60 hanggang 56 na taong gulang.     Ayon kay Atty. Aileen Lizada ng Civil Service Commission, ang isang konsultasyon ng mga tauhan sa buong bansa na isinagawa noong 2019 bago ang […]

  • Pagsasabatas ng bayanihan 2, malaking tulong sa TUPAD program ng DOLE

    NANANALIG ang Department of Labor and Employment (DOLE) na sakaling maisabatas na ng Kongreso ang Bayanihan II o Bayanihan to Recover as One Bill, ay magkakaroon din ng malaking tsansang maaprubahan ang kanilang mga proyekto,partikular na ang TUPAD Program na magsisilbing emergency employment at subsidy program para sa mga nawalan ng trabaho dahil sa covid19. […]

  • PARKE SA MAYNILA, PLANONG BUKSAN SA LAHAT NG EDAD

    PABOR ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang suhestiyon ng Department of Tourism (DOT) na buksan ang parke sa Maynila sa lahat ng edad, isang beses sa isang linggo para sa “Family Day”.     Sa naging panayam ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso , sinabi ng alkalde na suportado nito ang domestic tourism lalo sa […]