Mga panukala at rekomendasyon ng NEDA, posibleng pagbigyan ni PDu30
- Published on February 18, 2021
- by @peoplesbalita
PARA maisalba ang mga Filipino sa pagkagutom at paghihirap ay posibleng pagbigyan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang naging panukala ng National Economic Development Authority (NEDA) na isailalim sa Modified General Community Quarantine ang buong bansa simula Marso 1.
Sa public address ng Chief Executive, Lunes ng gabi ay inirekomenda kasi rin ni Acting NEDA Director General Karl Chua sa Chief Executive na palawigin na ang public transportation kung saan gawin ng 70 percent ang 50 percent na vehicle’s capacity, na unti-unting gawing 5 taon hanggang 70 taon mula sa 15 taon hanggang 65 ang eda na papayagang lumabas ng bahay at ituloy na pilot face-to-face classes.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na dahil mas matimbang na aniya ang paghihirap dahil sa non-covid related activities at dahil napatunayan naman ng mga filipino sa isang survey na OCTA research na 93% ang sumusunod sa pagsusuot ng mask ng mga Filipino ay ipinapakita lamang na panahon na para isalba ang mga Filipino mula sa pagkagutom at sa pagkahirap.
Giit ni Sec. Roque, ito aniya ay mga dahilan na maaaring pagbasehan ng Pangulo at hindi lamang dahil sa Covid-19.
Sa pagkahanda aniya ay nandiyan ang 93% na pagsusuot ng mask na nagpapakita na ang mga Filipino ay dininig naman ang panawagan ng Pangulo na pag-ingatan ang buhay para makapag-hanapbuhay.
Sa kabilang dako, sinabi ni Sec. Roque na kasama siya sa mga miyembro ng Inter-Agency Task Force (IATF) na bumoto na irekumenda kay Pangulog Duterte na lalo pang buksan ang ekonomiya ng bansa.
Aniya, mayroong pag-aaral ang NEDA na nagpapakita na kung titimbangin aniya ang numero ng mga nagkakasakit sa covid na 550,860; active cases aniya na 27,588 at iyon aniyang mga namatay na dahil sa Covid na 11,570 ay mas matimbang aniya ngayon iyong mga Filipino na nagugutom na nasa 23.7 milyon. Bukod dito, pati na rin aniya iyong karagdagan naghihirap ng mga Filipino na 4.5 milyon, ‘iyon aniyang mga karagdagang nawalan ng trabaho na 2.7 milyon ay factor din ng maaaring maging desisyon ng Pangulo. (Daris Jose)
-
KELOT HULI SA AKTONG SAKAY ANG TINANGAY NA MOTOR
KALABOSO ang 30-anyos na single father matapos maaktuhan ng mga pulis na sakay ang isang tinangay na motorsiklo sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon. Kinilala ni District Anti-Carnapping Unit ng Northern Police District (DACU-NPD) chief PMAJ Jessie Misal ang naarestong suspek bilang si Joe Mark Tenorio, 30 ng 389 Marulas A. Brgy. 36. […]
-
Dahil matagal na silang annulled ni Romnick: HARLENE, dream na matuloy ang wedding nila ni FEDERICO
MAGTO-TWO years na palang annulled sina Harlene Bautista at Romnick Sarmenta. Nauna kasi yung church annulment, and then at sumunod naman yung civil. Kaya naman sa tanong kung napag-uusapan na nina Harlene at kasintahan niyang si Federico Moreno ang tungkol sa kasal, ang sagot ni Harlene ay, “Oo. […]
-
Bilang ka-partner ni Wilbert sa digi-series: TikToker na si YUKII, nabigyan ng big break sa ‘Ang Lalaki sa Likod ng Profile’
PATULOY na nagwawagi ang Puregold sa sektor ng retailtainment, dahil nakaabang ang mga manonood sa bansa sa pinakabago nitong digital series na Ang Lalaki sa Likod ng Profile. Tampok sa kapana-panabik na serye ang 21-taong gulang na Tiktok sensation na si Yukii Takahashi, na gumaganap na Angge, ang bidang babae. Nagsimulang lumikha ng […]