Mga papuri, buhos pa rin sa nurse na tumulong magpaanak sa isang street dweller sa Makati
- Published on August 24, 2020
- by @peoplesbalita
Patuloy pa rin ang buhos ng mga papuri sa isang nurse matapos nitong tulungang manganak ang isang street dweller sa Osmeña Avenue sa Brgy. Bangkal, Makati City.
Ibinahagi ng Bangkal Emergency Response Team sa social media ang mga larawan ng nurse, na napadaan lang sa lugar, noong Martes ng umaga kung kailan nangyari ang panganganak ng homeless.
Sa kwento ng nurse na si Mary Lorraine Pingol, late na raw siya sa trabaho nang tawagin ng barangay rescue team.
Hindi rin naman daw ito nakatanggi lalo pa’t isa siyang nurse na sumumpang tutulungan ang sinumang nangangailangan ng kanilang tulong.
“There’s no other person to help them kundi ako…Saka nurse din naman ako. May sinumpaan kami.” wika ni Pingol.
Aminado naman ang 29-anyos na si Pingol na hindi siya makapagtrabaho ngayon sa ospital dahil nasa remission pa siya sa sakit na leukemia.
Sa ngayon, nagtatrabaho siya bilang nurse sa isang health maintenance organization (HMO). (Daris Jose)
-
Vendor kulong sa hindi lisensyadong baril sa Valenzuela
HIMAS-REHAS ang isang mister matapos makuhanan ng hindi lisensyadong baril nang salakayin ng pulisya ang kanyang bahay sa bisa ng isang search warrant sa Valenzuela city. Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban ang naarestong suspek na si alyas Nuno, […]
-
China kinampihan ang Russia sa panawagan na ‘wag na dapat sumali ang Ukraine sa NATO
NAKAKUHA ng kakampi ang Russia sa paghihikayat nilang dapat ay huwag ng sumali pa ang Ukraine sa US-led NATO military alliance. Sa pakikipagpulong ni Russian President Vladimir Putin kay Chinese President Xi Jinping sa Beijing ay naniniwala na ginagawang pangingialam ng US ay siyang nakakasira ng seguridad sa mga bansa. Kapwa […]
-
P2 taas pasahe sa jeep, aprub na ng LTFRB
INAPRUBAHAN na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang hirit ng mga drayber na P2 dagdag na pasahe sa jeep sa buong bansa. Ito ay sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo. Dahil dito, nasa P11 na ang minimum na pasahe sa traditional jeep, habang […]