• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga pasaherong sumasakay sa EDSA Busway noong 2021 umabot na sa mahigit 47 million – DOTr

UMABOT sa 47,104,197 ang bilang ng mga pasaherong naitala na sumasakay noong taong 2021 sa EDSA Busway na mas kilala rin bilang EDSA Carousel.

 

 

Batay sa datos ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), nasa mahigit 2 million na mga commuter ang kanilang naitatala sa unang tatlong buwan ng taong 2021.

 

 

Noong isinailalim kasi sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang buong Metro Manila ay nakapagtala pa rin ang kagawaran ng dalawang milyong mga pasahero noong buwan ng Enero, 2.3 million noong buwan ng Marso, habang 1.6 million naman ang naitala noong buwan ng Abril, at muli naman itong tumaas nang sumapit an buwan ng Mayo kung saan ay umabot sa 2.6 million ang bilang ng mga commuters na kanilang naitala.

 

 

Samantala, sa pagtatapos naman ng unang phase ng Service Contracting Program noong June 30, 2021 ay nakapagtala naman ng kabuuang 4.6 million na bilang ng mga pasahero ang sumasakay EDSA Busway.

 

 

Habang pumalo naman sa 3.6 million at 2.2 million ang bilang ng mga pasaherong naiulat na sumasakay dito noong buwan ng Hulyo at Agosto noong nakaraang taon.

 

 

Nasa 3.8 million na mga mananakay naman ang kanilang naitala sa pagpapatuloy ng naturang programa noong buwan ng Setyembre.

 

 

Dumoble naman ang bilang ng mga pasahero ng busway na naitala sa mga natitira pang mga buwan ng taong 2021, kung saan ay nasa 6.4 million ang naiulat noong Oktubre, 7.4 million noong buwan ng Nobyembre, at nasa 7.6 million naman noong buwan ng Disyembre na may pinakamaraming bilang na naitala noong nakaraang taon.

 

 

Ang EDSA Busway o EDSA Carousel ay isang bus lane service na isang collaborative project ng Department of Transportation (DOTr), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), at Department of Public Works and Highways (DPWH) na layon na tumulong na pigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa pamamagitan ng pagpapaikli sa oras ng byahe ng mga pasahero upang mabawasan na ma-exposed ang mga ito sa nasabing nakakamatay na virus.

Other News
  • Ginanap sa Berkshire, England, United Kingdom: LOVI, kinasal na sa long-time boyfriend na si MONTY

    KINASAL na si Lovi Poe sa kanyang long-time British boyfriend na si Montgomery “Monty” Blencowe noong August 26 sa Berkshire, England, United Kingdom.       Isang romantic garden ang setting ng wedding nila Lovi at Monty na ginawa sa Cliveden House, isang storied landmark built in 1666 by the second Duke of Buckingham.   […]

  • Muntik nang mapaiyak sa last taping day ng ‘Daddy’s Gurl’: CARLO, ‘di makalilimutan ang karanasang nakatrabaho sina Bossing VIC at MAINE

    MUNTIK na raw mapaiyak si Carlo San Juan sa last taping day nila para sa sitcom na ‘Daddy’s Gurl’ na pinagbibidahan nina Vic Sotto at Maine Mendoza.   Gumanap si Carlo sa naturang comedy show bilang si CJ.   Malapit na ang pagtatapos sa ere ng sitcom at ayon mismo kay Carlo ay napamahal na […]

  • PINIRMAHAN ni Mayor John Rey Tiangco

    PINIRMAHAN ni Mayor John Rey Tiangco, kasama sina Environment Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga, Public Works and Highways Secretary Manuel Bonoan, at San Miguel Corporation (SMC) President Ramon Ang, ang isang Memorandum of Agreement (MOA) para mabawasan ang polusyon sa Navotas River sa pamamagitan ng Adopt-a-River Program. (Richard Mesa)