MGA PASAWAY SA HEALTH AT SAFETY PROTOCOLS SA BI, MAY KAPARUSAHAN
- Published on September 2, 2020
- by @peoplesbalita
NAGBABALA ang Bureau of Immigration (BI) na paparusahan ang kanilang empleyado o ang isang indibidwal na regular na pumapasok at nakikipag-transaksiyon sa kanilang tanggapan sa Intramuros, Manila na sumusuway sa health at safety protocols upang maiwasan ang paglaganap ng COVID-19.
Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente ay matapos na nakatanggap siya ng mga ulat na may ilan na mga liaison officers sa mga BI accredited travel agencies at law offices na susmusway sa protocol at hindi dumadaan sa disinfection chamber bago pumasok sa kanilang tanggapan.
Dagdag pa dito ang ilang empleyado na hindi nagsusuot ng face masks, face shield at hindi sumusunod sa social distancing habang ang iba ay nagpupunta sa ilang tanggapan na isang paglabag sa office hopping.
Ang BI Chief ay inaprubahan ang rekomendasyon ng BI Administrative Division na pagbabawalan ng dalawang Linggo ang sinumang travel agent o law office representative na pumasok sa nasabing tanggapan na hindi dumadaan sa disinfection chambers habang sasampahan naman ng administratibo ang sinumang regular employees na hindi nagsusuot ng wear face mask, face shield, at hindi sumusunod sa social distancing, gayundin ang mga nag-office hopping.
Sususpendihin naman ng dalawang Linggo ang kanilang business ang sinumang empleyado ng mga concessionaires sa loob kung hindi susunod sa patakaran. (GENE ADSUARA )
-
Ads September 2, 2022
-
PDu30, nanawagan ng kapayapaan sa mga lider na nasa conflict-hit- areas
NANAWAGAN ng kapayapaan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa lahat ng lider sa mga lugar na apektado ng hidwaan kabilang na ang pinagtatalunang South China Sea. Tinukoy ng Pangulo ang tumataas na geopolitical tensions sa gitna ng COVID-19 pandemic. “I therefore call on the stakeholders in the South China Sea, the Korean Peninsula, […]
-
Halos P.4M droga, nasamsam sa Caloocan drug bust, 2 timbog
HALOS P.4 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa dalawang drug suspects, kabilang ang na-rescue na isang menor-de-edad na lalaki sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City. Ayon kay Caloocan Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) Chief P/Lt. Restie Mables, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa umano’y iligal drug activities […]