Mga pasilidad ng PSC nananatiling sarado
- Published on November 18, 2020
- by @peoplesbalita
Mananatiling sarado ang mga sports facilities ng Philippine Sports Commission (PSC) habang wala pang nakukuhang ‘green light’ mula sa Inter-Agency Task Force (IATF).
“All PSC sports facilities in RMSC and Philsports Complex remain closed until further notice,” pahayag ng sports agency kamakalawa.
Ilang linggo matapos pumutok ang coronavirus disease (COVID-19) noong Marso ay kaagad ipinag-utos ni PSC chairman William ‘Butch’ Ramirez ang pagpapasara sa kanilang mga pasilidad.
Ang mga ito ay ang Rizal Memorial Sports Complex sa Vito Cruz, Manila at ang Philsports Complex (dating Ultra) sa Pasig City.
Kasabay nito ay ang pagpapauwi ng sports agency sa lahat ng national athletes at coaches na pansamantalang naninirahan sa nasabing mga pasilidad.
Sa pagsagupa ng gobyerno sa COVID-19 pandemic, ginamit ang RMSC at Philsports Complex bilang mga quarantine facilities ng mga nagpositibo sa virus.
Bukod sa pagkakasara ng kanilang mga sports facilities ay natengga rin ang mga sports programs ng PSC sa taong ito.
-
TOM CRUISE TAKES TO THE SKIES AGAIN AFTER 36 YEARS IN “TOP GUN: MAVERICK”
THIRTY-SIX years after portraying Pete “Maverick” Mitchell in Top Gun, Tom Cruise returns to the iconic role that catapulted him to global superstardom, with the long-awaited sequel, Paramount Pictures’ Top Gun: Maverick (in Philippine cinemas May 25). [Watch the film’s final trailer at https://youtu.be/MX3gBYuV5Jg] “I’d thought about a sequel to Top Gun for all these years,” […]
-
Sagupaang Russel at Richard aabangan
ISA sa inaantabayanan ng mga professional basketball fan kapag nagbalik na ang 45th Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup 2020 eliminations ang pagtatapat ng magkapatid na Escoto. Sila ay sina veteran Russel na nasa five-time defending champion San Miguel Beer ang mas bata na si Blackwater Bossing rookie Richard. Maaaring maganap na ang matagal […]
-
WBC kinilala ang galing nina Donaire at Magsayo
Labis ang kasiyahan ng dalawang Filipino boxers matapos na sila ay kinilala ng World Boxing Council (WBC) dahil sa kanilang tagumpay ngayong 2021. Kinabibilangan ito nina Nonito “The Filipino Flash” Donaire Jr at Mark “Magnifico” Magsayo. Kinilala si Donaire bilang “Comeback of the Year” habang si Magsayo naman ay kinilalang “Prospect […]