• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bagong 25-year ABS-CBN ‘franchise renewal bill’ inihain ni Sotto sa Senado

Halos walong buwan matapos ipatigil ng National Telecommunications Commission (NTC) ang operasyon ng Kapamilya Network, isang bagong panukalang batas mula sa Senado ang naglalayong maibalik sa himpapawid ang ABS-CBN.

 

Ito ay matapos ihain ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III — na kilalang TV host sa karibal na GMA-7 — ang Senate Bill 1967, ngayong ika-4 ng Enero, Lunes.

 

“The bill seeks to renew the franchise of ABS-CBN Corporation granted under Republic Act No. 7966, which is set to expire in March 2020, to another twenty-five (25) years from the date of effectivity of this Act,” ayon sa panukala.

 

“ABS-CBN’s wide reach to Filipinos, alongside with the undeniable advantages of broadcast media relative to mass communication, definitely calls for the immediate renewal of the network’s franchise.”

 

Matatandaang nag-expire ang prangkisa ng ABS-CBN noong ika-4 ng Mayo, 2020 matapos bigong makapagpasa ng batas para mapanatili ito sa ere.

 

Tuluyang naibasura sa komite ng House of Representatives ang nasabing prangkisa noong ika-10 ng Hulyo, 2020 matapos bumoto ang nasa 70 mambabatas kontra rito, habang 11 lamang ang pumabor.

 

Dahil dito, libu-libong manggagawa ng ng istasyon ang nawalan ng trabaho sa pagkakawala ng ilang television at radio stations na affiliated sa ABS-CBN.

 

Bukod pa riyan, itinuturing din ito ng ilan bilang pag-atake sa malayang pamamahayag, bagay na naglilimita ngayon sa libreng impormasyon ng mga television viewers.

 

Ang ilan tuloy sa mga Kapamilya stars, nagsilipatan sa TV5 o ‘di kaya’y patuloy sa pagtratrabaho sa ABS-CBN shows na ipinalalabas sa A2Z Channel 11.

 

Marami sa ngayon ang hindi naaabot ng mass media information sa pamamagitan ng telebisyon, lalo na’t ABS-CBN lang ang nasasagap sa ilang liblib na lugar — bagay na naglalagay sa kanila sa peligro tuwing may kalamidad gaya ng bagyo.

 

“ABS-CBN is the Philippines’ largest entertainment and media network operating various platforms including domestic television, radio networks, worldwide OTT, and online platforms,” ayon kay Sotto.

 

“In September, ABS-CBN is still the top choice of viewers in the Philippines as its viewers nationwide prefer to catch relevant news and inspiring TV series on ABS-CBN as the network registered an average audience share of 45%, or 14 points higher than GMA’s 31%, based on the date from Kantar Media.”

 

Taong 2018 nang makaalitan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang istasyon matapos aniya hindi maiere ang ilan niyang patalastas noong 2016 presidential elections, dahilan para sabihin niyang hindi niya ipare-renew ang prangkisa ng network kung siya ang masusunod.

 

Pebrero 2020 nang humingi ng tawad tungkol doon si ABS-CBN president at CEO Carlo Katigbak, bagay na tinanggap naman na raw ni Duterte. (ARA ROMERO)

Other News
  • Marami pang ni-reveal sa ‘Korina Interviews’: TESSA, inamin kay KORINA na naka-move on and in full swing na

    “ITO na yata ang wackiest interview ko to date,” sabi ng multi-awarded broadcast journalist na si Korina Sanchez-Roxas tungkol sa kanyang latest guest sa kanyang NET 25 show na Korina Interviews.     Pinag-usapan ni Korina kasama ang celebrated socialite, host, at philanthropist na si Tessa Prieto ang untimely death ng kanyang kapatid na lalake […]

  • Personal journey at baka ‘di na maulit: CHARLENE, first time pa lang makasama sina AGA, ATASHA at ANDRES sa isang show

    FIRST time palang magsasama sa isang TV project ang mag-asawang Charlene Gonzalez at Aga Muhlach at ang mga anak nilang si Atasha at Andres Muhlach.    Ito ay sa sitcom na ‘Da Pers Family’ ng TV5.   Kaya pagkukuwento ni Charlene, “I would say for Aga and I, I could say Da Pers Family is a […]

  • Story by Geraldine Monzon Art by Dhan Lorica

    Hindi nagtagumpay si Roden na maisakatuparan ang nais niyang gawin kay Angela nang magising ito at muling maghisterical. Nagtatakbo si Angela patungo sa dalampasigan habang patuloy na isinisigaw ang pangalan ng kanyang anak. Subalit naabutan siya ni Roden at mariing hinawakan sa braso para ibalik sa bahay.   “ANGELAAAA!” ubod lakas na sigaw ni Bernard. […]