Mga pasilidad ng PSC nananatiling sarado
- Published on November 18, 2020
- by @peoplesbalita
Mananatiling sarado ang mga sports facilities ng Philippine Sports Commission (PSC) habang wala pang nakukuhang ‘green light’ mula sa Inter-Agency Task Force (IATF).
“All PSC sports facilities in RMSC and Philsports Complex remain closed until further notice,” pahayag ng sports agency kamakalawa.
Ilang linggo matapos pumutok ang coronavirus disease (COVID-19) noong Marso ay kaagad ipinag-utos ni PSC chairman William ‘Butch’ Ramirez ang pagpapasara sa kanilang mga pasilidad.
Ang mga ito ay ang Rizal Memorial Sports Complex sa Vito Cruz, Manila at ang Philsports Complex (dating Ultra) sa Pasig City.
Kasabay nito ay ang pagpapauwi ng sports agency sa lahat ng national athletes at coaches na pansamantalang naninirahan sa nasabing mga pasilidad.
Sa pagsagupa ng gobyerno sa COVID-19 pandemic, ginamit ang RMSC at Philsports Complex bilang mga quarantine facilities ng mga nagpositibo sa virus.
Bukod sa pagkakasara ng kanilang mga sports facilities ay natengga rin ang mga sports programs ng PSC sa taong ito.
-
Amir Khan ibinunyag nais ni coach Freddie Roach na pagharapin sila ni Pacquiao
IBINUNYAG ni dating boxing champion Amir Khan na tinawagan siya ni boxing coach Freddie Roach para magkaroon sila ng laban ni Manny Pacquiao. Sinabi nito na isa sa mga kaibigan niya ang tinawagan ni Roach kung saan plano nitong magkaroon ng laban si Khan sa Filipino boxing champion. Kapwa kasi nagsanay […]
-
50% ng NCR, 6 high-risk areas unahin sa bakuna – OCTA
Inirekomenda ng OCTA Research Group sa pamahalaan na unahing mabakunahan ang 50 porsyento ng populasyon ng National Capital Region (NCR) at anim na ‘high-risk areas’ para mas maagang makamit ang ‘herd immunity’ ng bansa kontra COVID-19. Bukod sa Metro Manila, kailangang maging prayoridad din umano ng gobyerno ang Tuguegarao, Santiago, Baguio, Cainta (Rizal), […]
-
Kasama ang girlfriend na si CHELSEA at pet dog nila: BENJAMIN, mabibisita na ang ina sa Guam at doon na rin magbi-birthday
BAKASYON grande si Kapuso hunk Benjamin Alves bago sumapit ang kanyang birthday sa March 31. Sa Guam niya i-celebrate ang kanyang birthday dahil two years niyang hindi nakita ang kanyang ina at nabisita ang puntod ng kanyang ama. “Thank God that ‘Artikulo 247’ is airing and we’re getting good feedback from […]