MGA PEKENG RESIBO at LISTAHAN ng mga TAONG BAWAL PUMASOK sa LTFRB, DAPAT IMBESTIGAHAN
- Published on June 10, 2021
- by @peoplesbalita
May “Fake Receipt Representatives” tagging pala sa LTFRB. Ayon sa mga nagrereklamo ay kapag napabilang ka sa tinatawag na “List of Authorized Representatives submitted Fake/ Tampered Receipts” ay ban ka pumasok sa LTFRB central office.
Nakakuha ang Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) ng listahan at kinumpirma sa amin na hindi nga sila pinapapasok ng mga guards sa gate pa lang. Pero marami sa mga nasa listahan ay nagtataka at nagtatanong kung bakit sila napasama sa listahan na nag-submit daw sila ng pekeng mga resibo sa mga binayaran nila sa LTFRB. Tinanong namin kung sila ba ay naimbestigahan dito o kinasuhan ba base sa pamemeke ng resibo – wala raw at iginiit naman na hinid sila namemeke. Paano raw sila masasabing namemeke, eh hindi naman daw sila ang nagi-issue ng resibo.
May mga bagay na nais naming itanong sa issue na ito: Una, paano nasabi na peke ang resibo? Ano ba ang peke, yung mismong resibo o genuine naman ang resibo pero tampered dahil peke ang nakasulat.
Halimbawa, nakasulat sa resibo ang pinagbayaran pero hindi naman natanggap ang bayad ng cashier ng LTFRB. Kung ang papel na resibo ay genuine ibig sabihin ay galing sa loob ng Ahensya ang pamemeke ng entrada sa resibo. Kung mismong yung papel na resibo ang peke ay dapat malaman kung saan naimprenta ang mga ito.
Pangalawa, totoo bang may utos ang LTFRB sa mga guards na huwag papasukin ang mga nasa listahan? Nasaan ang Memorandum Circular o ang office resolution? At paano nila napagdesisyunan na isama ang isang tao sa listahan. Nagkaroon ba ng imbestigasyon ukol dito. Pinatawag ba sila ang mga implicated ng nasabing listahan, at kinasuhan na ba? Ano ang batayan kung bakit bawal pumasok ang mga nasa listahan. Magkakaroon ba ng solusyon ang diumamong pamemeke ng resibo kung hindi lang magpapapasok ng ilang indibiduwal na kanilang pinaghihinalaan?
Di ba’t mas mainam na makausap ang mga ito para makapagpaliwanag kung paano sila nagkaroon ng sinasabing pekeng resibo?
May kasabwat ba silang mga empleyado o opisyal sa loob ng LTFRB? Ang mga nasa listahan ba ay may kakayahang mameke ng resibo o biktima rin sila ng ilang namemeke na taga loob ng LTFRB. Sa amin sa LCSP, suportado namin ang tamang paglilinis ng Ahensya laban sa mga tiwaling opisyal at mga taong mapagsamantala. Pero papano natin masusugpo ito kung ang hakbang lang ay huwag papasukin ang mga nasa listahan na diumanoy nag-submit ng mga pekeng resibo.
At bakit ng aba hindi papasukin sa LTFRB office kung hinala pa lang ang basehan.
Malalim na mga tanong na nangangailangan ng malinaw na kasagutan! (ATTY. ARIEL ENRILE-INTON)
-
System reconciliation tinutugunan, accounts ligtas — GCash
Ilang GCash users ang apektado ng errors sa isinasagawang system reconciliation process. Ayon sa GCash, ang insidente ay isolated sa ilang users, at tinitiyak nila sa kanilang mga customer na ligtas ang kanilang mga account. “We have identified and reached out to affected accounts. Wallet adjustments are ongoing,” sabi ng GCash […]
-
DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 3) Story by Geraldine Monzon
NAKATAKAS ang mga kasama ni Cecilia habang siya ay naiwan sa kamay ni Bernard. Dahil sa narinig na putok kanina ay napilitang lumabas ng silid si Angela sa pag-aalala sa asawa. Kasunod niya si Lola Corazon. “Bernard!” “Natawagan mo na ba si Marcelo?” “Oo Bernard, papunta na […]
-
Babaeng suspek sa Hernando robbery-slay sa Valenzuela, timbog
Nadakip na ng mga awtoridad ang isang babae na kabilang sa mga suspek sa robbery-slay case sa company messenger na si Niño Luegi Hernando sa Barangay Paso De Blas, Valenzuela City noong October 9. Pinuri ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian ang Valenzuela Police Station sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Fernando Ortega dahil […]