• December 29, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga Pilipino sa Italy, nakisaya sa tagumpay ng national team sa EURO 2020

Maging ang mga Pilipino ay nakikisaya sa naging panalo ng Italy laban sa England sa isinagawang EURO 2020.

 

 

Sa naging panayam kay Bombo International News Correspondent Annabel Quismorio Noble tubo ng Barangobong, Luna, La Union at naninirahan na sa Italy na maging sila ay masaya sa panalo ng Italy national team.

 

 

Ayon kay Noble, pagkaraan ng 53 taon ay muling nakuha ng Italy national team ang kampeonato sa larong football.

 

 

Samantala, base sa pananaliksik ang bansang Italy ang pinakamatagumpay sa kasaysayan ng football at World Cup, kung saan nanalo na ito ng apat na titulo (1934, 1938, 1982, 2006); dalawang finals noong (1970, 1994); third place (1990) at fourth place (1978).

 

 

Nanalo na rin ang nasabing bansa ng dalawang European Championships (1968, 2020), at nagpakita sa dalawang finals ng torneyo noong (2000, 2012). Sila rin ang may highest finish at ang FIFA Confederations Cup noong 2013, kung saan nakuha ng grupo ang third-place finish.

 

 

Noong taon 1938, ang Italy ay naging kauna-unahang team na nakapagtanggol ng kanilang titulo sa World Cup title at dahil sa outbreak noong World War II, napanatili nito ang titulo sa loob ng 12 taon.

 

 

Nanalo na rin ang nasabing bansa ng dalawang Central European International Cups (1927–30, 1933–35). Sa pagitan ng unang dalawang World Cup victories nanalo ang Italy sa Olympic football tournament (1936).

 

 

Matapos ang pagkamatay ng karamihan sa grupo dahil sa plane crash noong 1949 hindi na nagawa ng grupo na makilahok sa dalawang World Cup tournaments at nabigo na maka-qualify para sa 1958 edition hanggang 2018 edition.

Other News
  • Kahit matagal na siyang freelancer actress: JUDY ANN, ipapaalam pa rin sa ABS sakaling magkaroon ng offer ang GMA

    MARAHIL ay marami ang hindi nakakaalam na freelancer bilang artist si Judy Ann Santos. Yes, mula pa noong 2019, habang ginagawa niya ang ‘Starla” sa ABS-CBN ay wala ng kontrata si Judy Ann kahit saan. Kaya naman perfect timing para kay Judy Ann ang pagiging freelancer niya kaya napipili niya ang mga proyektong gusto niyang […]

  • 250,000 RESIDENTE NG MAYNILA, NAKATANGGAP NG FOOD BOXES

    NAKATANGGAP na ng food boxes na bahagi ng COVID-19 Food Security Program ng pamahalaang lungsod ang mahigit sa 250,000 na residente ng Maynila.       Napag-alaman na ang mga residente sa Distrito 1 at 2 sa Tondo ang unang nagbenipisyaryo ng nasabing programa kung saan nasa kabuuang 250,054 food boxes na ang naipamahagi na nagsimula […]

  • “GRAN TURISMO: BASED ON A TRUE STORY” TO HOLD SNEAK PREVIEWS AUGUST 21 & 22

    AN underdog sports story based on the life of a real gamer-turned-racecar driver, Gran Turismo: Based on a True Story will have sneak preview screenings at regular run admission prices in cinemas nationwide on Monday August 21, and Tuesday August 22. Be among the first to catch the film – watch it a week before it begins […]