• June 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Rome Marathon, kanselado vs coronavirus scare

KINANSELA na rin ang malaking marathon sa Italy dahil sa patuloy na paglobo ng bilang ng kumpirmadong kaso ng coronavirus sa nasabing bansa.

 

Sa pinakahuling datos, umabot na sa 148 ang patay dahil sa coronavirus sa Italy at mahigit 3,200 naman ang nadapuan ng sakit.

 

Sa panayam kay Jeff Lagos mula sa Rome, inihayag nitong kanselado ang Rome Marathon na nakatakda sana sa Marso 29.

 

Ito ay kasunod na rin ng inilabas ng pamahalaan na cabinet decree na nagsususpinde sa malalaking pagtitipon at events sa bansa kabilang na rin ang mga sporting events at kompetisyon hanggang Abril 3.

 

Dahil dito, ang registration fee na binayaran ng mga runners ay ililipat na lang sa susunod na edisyon ng Rome Marathon sa 2021 kung saan dalawang medalya ang tatanggapin ng mga lalahok.

 

Sa ngayon, umabot na sana sa mahigit 10,000 runners ang nag-sign up na makilahok sa Rome Marathon.
Samantala, hindi pa matitiyak aniya kung maextend ang pagbubukas ng lahat ng mga paaralan na isinara dahil sa COVID-19.

 

Batay sa utos ng Italian government, hanggang Marso 15 ang closure ng mga paaralan at unibersidad sa bansa.
Nag-abiso na rin ang Philippine Embassy sa mga Pilipino na maging mapagmatyag at panatilihin ang proper hygiene.

Other News
  • Dagdag pondo sa mawawalan ng trabaho sa lockdown

    Nanawagan ng dagdag na pondo ang Department of Labor and Employment (DOLE) na gagamitin umano sa pagtulong sa mga ‘formal at informal workers’ sa Metro Manila na inaasahan na mapuputulan ng pagkakakitaan sa 14 na araw na enhanced community quarantine (ECQ).     Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na may naiwan pang pondo […]

  • Pagbaba ng COVID-19 cases dahil sa malawakang vaccination – OCTA

    Kumpiyansa ang OCTA Research Group na ang patuloy na pagbaba ng mga naitatalang kaso ng COVID-19 cases sa bansa ay dulot nang malawakang vaccination program na isinasagawa ng pamahalaan.     Ayon kay OCTA Fellow Dr. Guido David, sa ngayon ang reproduction number ng Pilipinas ay nasa 0.52 na lamang, na indikasyong nagkakaroon ng pagbagal […]

  • Hidilyn Diaz mangunguna sa weighlifting team ng bansa para sa SEA Games

    PANGUNGUNAHAN ni Tokyo Olympic gold medalist Hidilyn Diaz ang 13-member weightlifting team na sasabak sa Vietnam Southeast Asian (SEA) Games.     Makakasama nito sina Fernando Agad Jr ng men’s 55 kg, Rowel Garcia ng men’s 61 kgs, Nestor Colonia ng men’s 67 kg, Lemon Denmark Tarro ng men’s 73 kgs, John Kevin Padullo ng […]