• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga Pinoy, hindi puwedeng maging choosy sa bakunang ituturok sa kanila laban sa Covid-19

HINDI maaaring makapamili ang mga mamamayang Filipino o maging choosy kung anong brand ng COVID-19 vaccine ang makukuha nila mula sa pamahalaan.

 

Ayon kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte, ang mga bakunang inaprubahan ng drug regulator ay ” all potent, they are all effective.”

 

“There will be no discrimination at saka hindi kayo makapili kung ano ang bakuna. Pareho lahat ‘yan. ‘Di kayo makasabi [Astra]Zeneca sa akin, Moderna–no,” ayon sa Pangulo sa kanyang Talk to the People, Lunes ng gabi.

 

“Kung ano ang nasa harap ninyo, ‘yon na. Do not ask for a special kind of–kasi bulto por bulto ‘yan ibigay… It leaves a bad taste in the mouth,” dagdag na pahayag nito.

 

Aniya pa, karamihan sa mga “well-off” na tao ay naghihintay ng US-made vaccines, gaya ng Pfizer at Moderna.

 

“Sabi ko hindi mangyari ‘yan. You cannot have–kung anong nasa harap n’yo, que milyonaryo ka o ano, iyon na ‘yong iyo. Hindi ka mamili,” anito.

 

Aniya pa, ipamamahagi ni vaccine “czar” Carlito Galvez Jr ang mga bakuna ng “blind eye ” pagdating sa brand nito.

 

“There’s no reason for you, really, to be choosy about it,” ani Pangulong Duterte.

 

“Ayaw kong magkaroon ng storya na may pinapapaboran kami na ito, ito. Wala. Maski saang subdivision ka na mayaman o anong lugar dito sa North Harbor, pareho kayo lahat. Hindi ako papayag na magpili-pili,” dagdag na pahayag ng Punong Ehekutibo.

 

Noong nakaraang taon ay sinabi ni Pangulong Duterte na mas gusto niya ang bakuna mula sa China o Russia.

 

Napaulat na nagpabakuna na si Pangulong Duterte gamit ang bakuna mula sa Chinese state firm Sinopharm.

 

“Sa awa ng Diyos, okay naman,” anito. (Daris Jose)

Other News
  • IVANA, matunog na matunog at kasama rin sa hula sina DENISE at JANELLA na posibleng maging ‘Valentina’

    MAKIKILALA na ngayong araw kung sino ang napili para sa iconic villain role na si Valentina sa Darna: TV Series na pagbibidahan ni Jane de Leon.     Matunog na matunog nga ang pangalan ni Ivana Alawi at may nagwi-wish na sana ay si Denise Laurel na isang magaling na aktres at type din nila […]

  • Hidilyn reyna pa rin ng SEA Games

    UMISKOR ang Pilipinas ng tatlong gintong medalya sa pamumuno ni Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz sa weightlifting sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam kahapon.     Nagtala ang 30-anyos na si Diaz ng total lift na 206 kilograms mula sa 92kgs sa snatch at 114kgs sa clean and jerk para muling manaig […]

  • President-elect Marcos, bukas na gawing drug czar si PDu30

    WALANG problema kay President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. kung sasama si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang administrasyon at maging drug czar.     If he wants to,” ayon kay Marcos, Jr. sa posibilidad na makasama sa kanyang administrasyon ang outgoing President bilang drug czar.     At nang tanungin si Marcos kung ito ay […]