• November 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga Pinoy na nasa death row, tulungan matapos ibasura ng Malaysia ang mandatory death penalty

Nanawagan ang isang mambabatas sa Departments of Foreign Affairs (DFA) at Migrant workers (DMW) na tulungan ang mga Pilipino na nasa death row sa Malaysia.

 

 

 

Ang apela ay ginawa ni Kabayan Partylist Rep. Ron Salo matapos na pagbotohan ng Malaysian government nitong Lunes (April 3, 2023) ang pagtanggal ng mandatory death penalty sa ilang opensa na magbibigay sa mga hukom na magdesisyon kung ipapataw o hindi ang nasabing capital punishment.

 

 

 

“This is certainly a welcome development, especially for our kababayans on death row in Malaysia who may have a justifiably legal cause to receive a much lesser penalty,” ani Salo.

 

 

Sinabi ng mambabatas na binigyan din nito ng pag-asa na mairerekonsidera ang maraming kaso at maibaba ang parusa.

 

 

 

Matatandaan sa isinagawang mga pagdinig sa kamara, inihayag ng ilang opisyal ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nasa 83 overseas Filipinos ang nahatulan ng parusang kamatayan sa iba’t ibang kaso, 56 nito ay pawang nasa Malaysia.

 

 

 

Ayon sa bagong lehislasyon, ang mga nahatulan ng death penalty o life imprisonment ay maaaring humingi ng rebyu sa kanilang hatol.

 

 

Karamihan aniya ng mga kaso ay nasa final at executor na. Kung wala ang nasabing pagbabago ay tanging presidential pardon mula sa Malaysian government ang natitirang tanging paraan.

 

 

Hinikayat pa ng mambabatas ang DFA at DMW na agad magbigay ng lahat ng kinakailangang legal assistance sa mga overseas Filipinos na ansa death row sa Malaysia upang ma-rebyu ang kanilang hatol. (Ara Romero)

Other News
  • Roach assistant, naniniwalang ‘frustrated’ si Pacquiao kaya’t nanghamon sa mga bayolenteng Amerikano

    BACOLOD CITY – Naniniwala ang assistant ni coach Freddie Roach na maaaring frustrated na rin si Sen. Manny Pacquiao sa mga nangyayaring karahasan laban sa mga Asian Americans kaya’t hinamon nito ang mga suspek na siya ang kalabanin.     Sa panayam ng Bombo Radyo Bacolod kay Marvin Somodio mula sa Los Angeles, California, naniniwala […]

  • Bakbakan sa Speakership sa Kongreso: tapos na ang boksing-Sec. Roque

    TAPOS na ang boksing!   Ito ang sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque sa usapin ng Speakership sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.   Kaya kaagad na nagpaabot ng pagbati ang Malakanyang hinggil sa bagong lider ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa katauhan ni bagong House Speaker Lord Allan Velasco.   Sinabi ni Presidential spokes- person […]

  • Panukalang suspensyon ng TRAIN Law excise tax sa langis pinamamadali sa Kamara

    Nanawagan ang Gabriela Party-list sa Kamara na madaliin ang panukalang suspensyon ng TRAIN Law excise tax.     Ayon kay Rep. Arlene Brosas, hindi naman kasi sapat ang mga rollbacks sa produktong petrolyo at nagbabadya pa ang panibagong sirit sa presyo ng langis.     Nakikita niyang magiging malaking alwan sa mga motorisata at consumers […]