• November 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga Pinoy sa Cambodia ginawang crypto-scammer

IBINUNYAG ni Sen. Risa Hontiveros ang human trafficking sa ilang mga Filipino sa Cambodia para maging scammer ng cryptocurrency.

 

 

Ito ang panibagong natuklasan ilang buwan lamang matapos na ibulgar din ni Hontiveros sa Senado ang kaparehong modus na bumibiktima sa mga Filipino sa ­Myanmar.

 

 

Ayon sa senadora, ang mga Pilipino na iligal na pinasok sa Cambodia ay pwersahang pinagtatrabaho ng isang Chinese mafia para mang-scam ng mga dayuhan gamit ang cryptocurrency.

 

 

Lumapit sa tanggapan ni Hontiveros ang isang Pinoy na nakauwi na sa bansa na si “Miles” para ihingi ng tulong ang mga kapwa Pilipino na naiwan sa Cambodia na pinagmamalupitan ng mafia.

 

 

Batay sa salaysay ni Miles, sila ay pinangakuan ng trabahong customer service o call center sa Thailand subalit ang totoo pala ay itatawid sila sa Cambodia sakay ng isang van at doon sila ay sapilitang pinagtatrabaho ng 16 na oras, pitong araw sa isang linggo at walang break.

 

 

Ang kanilang modus ay magpapadala ng wrong text message sa mga Amerikano at kapag nag-reply ay saka nila ito kakaibiganin at aayaing mag-invest sa crypto currency na isa palang scam.

 

 

Sinabi pa ni Miles na kung noong una ay sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) siya idinaan, nito lamang umanong Disyembre ay sa Clark airport na nagmumula ang mga biktima kung saan mayroon umanong immigration offi­cer o agent na mag-a-assist sa kanila sa airport, walang dokumentong hi­hingiin, wala ring interview at diretso tatak ng pasahero.

 

 

Bagama’t hindi nakaranas ng pananakit si Miles mula sa sindikato ay testigo naman siya sa ginawang pangunguryente sa isang kababayan at ang pananakit ay ginagawa kapag walang kliyenteng nabibiktima sa scam. (Gene Adsuara)

Other News
  • RACHELLE ANN, natupad ang wish na makasama sa London ang kanyang mommy bago isilang ang first baby nila ni MARK

    NATUPAD ang wish ng international stage actress-singer na si Rachelle Ann Go-Spies, na makasama sa London ang Mama Russell niya, ngayong ilang araw na lamang at magsisilang na siya ng first baby nila ng American businessman husband niyang si Mark Spies.      Hindi siya umasa na makararating ang ina dahil sa pandemic na nararanasan […]

  • Pagluwag ng quarantine protocols sa NCR Plus, huwag madaliin – expert

    Hinay-hinay muna at hindi dapat madaliin ang pagluluwag sa quarantine classification sa Metro Manila at karatig lalawigan.     Ito ang sinabi ni Dr. Maricar Limpin, pangulo ng Philippine College of Physicians lalo pa nga’t nararanasan pa rin ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa NCR at karatig lalawigan na Cavite, Laguna, Bulacan at Rizal.     “Wag […]

  • Pascual mag-iiwan ng bakas

    DUMADALANGIN si San Beda High School Red Cubs team captain Jose Miguel Pascual  na maidaraos ang 96th National Collegiate Athletic Association (NCAA) juniors boys basketball tournament 2020-21 upang maging makulay ang pag-eksit niya   Huling taon na 19 na taong gulang at 5-11 ang taas na point guard para sa Mendiola-based squad dahil magtatapos na siya […]