Mga Pinoy sa cruise ship na nagpositibo sa COVID-19, umakyat pa sa 41 – DOH
- Published on February 20, 2020
- by @peoplesbalita
Pumalo na sa 41 ang bilang ng mga Pilipinong sakay ng naka-quarantine na MV Diamond Princess cruise ship sa Yokohama, Japan ang nagpositibo sa coronavirus (COVID-19).
Anim pang Pinoy ang nakumpirmang positibo sa sakit nitong Miyerkoles, ayon sa Department of Health.
Pawang mga crew member umano ang dinapuan ng virus.
Kaugnay nito, inaayos na ng gobyerno ng Pilipinas ang pagpapauwi sa nasa 500 Pilipinong manggagawa na sakay din ng Diamond Princess.
Sabi ng DOH, ang mga walang sintomas ng COVID-19 lamang ang mga maisasama sa repatriation habang ang mga Pilipinong nagpositibo sa virus ay maiiwan sa Japan hanggang sa makarekober.
Nilinaw naman ng DOH na boluntaryo o hindi sapilitan ang pagpapauwi sa mga Pilipino kaya kung ayaw bumalik ng mga ito sa Pilipinas ay hindi nila ito pipilitin.
-
PNP, gagamit na ng body cams sa kanilang operasyon sa buwan ng Abril
KAILANGAN na kumpleto ang gamit ng Philippine National Police (PNP) sa kanilang mga operasyon. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, na sa buwan ng Abril ngayong taon ay makagagamit na ang PNP ng body cams sa kanilang operasyon. Layon nito na pahupain ang pangamba ng publiko kapag may mga taong napapatay sa police […]
-
Bading na-depressed sa utang, nagbigti
NASAWI ang isang 23-anyos na bading na dumanas umano ng depresyon matapos magbigti dahil sa hindi nabayarang utang sa Malabon City, kahapon (Huwebes) ng madaling araw. Kinilala ang biktima na si Mark Lester Jhon Dela Cruz, salesman, na nadiskubreng walang buhay ng kanyang tiyahin na si Ailane Bacalso habang nakabigti gamit ang kumot na […]
-
1 Corinthians 12:9
My grace is enough for you.