Mga Pinoy sa Lebanon, hinikayat ng DFA na umuwi na ng Pinas
- Published on October 7, 2024
- by @peoplesbalita
NANAWAGAN ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Overseas Filipino Workers sa Lebanon kaugnay sa pagapapauwi sa Pilipinas sa Gitna ng tensyon sa pagitan ng Hezbollah at Israel.
Sa ulat, nanawagan kasi ang Israel sa mga indibidwal sa Southern Lebanon na lumikas na, bagay na ginawa nito bago pa ang pag-atake sa Gaza.
Ang naturang panawagan ay ginawa matapos na magpaputok ang Iran ng mahigit sa 180 ballistic missiles sa Israel bilang tugon sa ginawang pag-atake ng Israel sa Hezbollah sa Lebanon.
Sa kabilang dako, nagpahayag naman ng pangamba ang Pilipinas “over increasing tensions in the Middle East marked by Israeli ground operations in Lebanon.”
Kaya nga, hinikayat ng Pilipinas ang lahat ng partido na iwasang pataasin ang karahasan at mangyaring gumawa ng aktibong hakbang patungkol sa mapayapang resolusyon.
Gayunman, nagpalabas ang Israeli forces ng evacuation advisories sa mahigit sa 20 lugar sa Southern Lebanon, kahalintulad sa ipinalabas sa Gaza bago pa ito atakihin sa panahon ng Israel-Hamas War.
“We already have plans in place in various countries that might be affected, including Lebanon. The DMW are working really hard to institute their plan in trying to get arrangements ready for the Filipinos in the area in case they have to evacuate or be repatriated,” ang sinabi naman ni DFA Secretary Enrique Manalo.
Sa kasalukuyan, mayroong mahigit na 11,000 Filipino na naka-base sa Lebanon, mayorya sa mga ito ay matatagpuan sa Beirut.
Nagawa namang kontakin ng DFA ang mga OFWs sa Southern Lebanon, at hiniling sa mga ito na umuwi na ng Pilipinas.
“They have already identified where they are, and they’ve already contacted whom they can contact in Southern Lebanon,”ang sinabi ni Manalo. (Daris Jose)
-
Dahil mas slim na ngayon ang katawan niya: AIKO, napagkamalan ng netizens na siya ang anak na si MARTHENA
DAHIL sa mas slim na katawan ni Aiko Melendez ngayon, napagkamalan siya ng netizens na ang anak niyang si Marthena. Nag-post ang actress and Quezon City councilor sa kanyang Instagram na naka-denim shorts at red top habang nasa isang resort ito sa Pangasinan. Kitang-kita ang malaking ipinayat ni Aiko kaya naman inakala ng […]
-
P82.5 bilyong pondo sa bakuna kinapos
Hindi sapat ang P82.5 bilyon na inilaan ng gobyerno para sa pagbili ng bakuna ngayong taon laban sa COVID-19, ayon sa Department of Budget and Management (DBM). Sinabi ni Budget Secretary Wendel Avisado na sa P82.5 bilyon, P70 bilyon ang ginamit para sa pagbili ng bakuna at P12.5 bilyon ang inilaan sa “ancillary […]
-
PAF, nag-deploy ng 2 helicopter units para tumulong sa relief operations sa Bicol region
NAG- deploy na ang Philippine Air Force (PAF) ng 2 helicopter units para tumulong sa relief operations sa Bicol region na nananatiling isolated dahil sa malawak na pagbahang iniwan ng nagdaang bagyong Kristine. Sa situation briefing sa Palasyo Malacañang ngayong Biyernes, iniulat ni Defense Secretary Gilbert Teodoro kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na […]