Mga pribadong kumpanya, maaaring makabili ng bakuna laban sa Covid-19
- Published on March 23, 2021
- by @peoplesbalita
TINIYAK ng Malakanyang na makabibili ng COVID-19 vaccines ang lahat ng pribadong kumpanya para sa kanilang mga empleyado.
May ilan kasing mambabatas ang nagpahayag ng pag-aalala sa di umano’y plano ng Department of Health (DoH) at National Task Force Against COVID-19 na hadlangan ang mga pribadong kompanya na ang negosyo ay sigarilyo, infant milk formula, softdrinks o soda at alak na pigilan ang mga pribadong kompanya na makabili ng sarili nilang bakuna.
Ani Sec. Roque, batay sa inamyendahang implementing rules and regulations (IRR) ng covid 19 vaccination law o republic act 11525 ay puwedeng makabili ng bakuna ang mga pribadong kompanya na ito.
“Isa pa pong paglilinaw, puwede na pong bumili ng bakuna ang lahat ng pribadong kumpanya, kasama ang cigarette companies,” ayon kay Sec. Roque.
“This is under the amended IRR of the COVID-19 Vaccination Law,” dagdag na pahayag nito.
Iyon nga lamang aniya ay kailangan pa rin aniya itong idaan sa tripartite agreement o kasama pa rin sa negosasyon at kasunduan ang gobyerno.
“Hindi po puwedeng mawala ang tripartite agreement [kasama ang gobyerno],” aniya pa rin.
Wala pa kasing commercial use authorization para sa mga bakuna kontra Covid -19 dahil lahat ng ito ay mga bago pa at sumasa ilalim pa sa mga clinical trials.
Kaya naman for emergency use authorization pa lamang aniya ang ipinalalabas ng FDA para sa mga Covid -19 vaccine kaya kailangang kasama pa rin ang gobyerno sa negosasyon, dahil kung sakaling may mangyaring hindi maganda sa mga taong mababakunahan, ang gobyerno ang magbibigay ng indemnification sa mga ito.
Aniya pa, draft pa lang naman ito dati at binabalangkas pa pero ngayon aniya ay tinanggal na ang ganung probisyon sa IRR. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
PBBM, kinilala ang naging ambag ng DSWD sa ginagawang pagtulong nito sa mga tao
KINILALA ni Pangulong Ferdinand R Marcos Jr ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pagtulong nito sa mga mamamayan na nangangailangan. Sa isinagawang Pangkabuhayan at Pamaskong Handog Ng Pangulo at Unang Ginang sa Sambayang Pilipino na ginawa sa Rizal Park, tinuran ni Pangulong Marcos na isa ang DSWD sa mga ahensiya ng gobyerno […]
-
SANYA at ROCCO, reunited sa inaabangang primetime series na ‘First Lady’; kinakiligan pa rin ng fans
REUNITED sina Sanya Lopez at Rocco Nacino sa inaabangan na GMA primetime teleserye na First Lady. Unang nagtambal sina Sanya at Rocco sa Encantadia noong 2016 at nasundan ito ng Haplos noong 2017. Nagkaroon ng fans ang tambalan nila Sanya at Rocco at umasa silang magkakatuluyan ang dalawa, pero biglang lumitaw […]
-
Obiena sumungkit ng ginto sa Poland
NAGPOSTE si Ernest John ‘EJ’ Obiena ng season best 5.81 meters sa pangatlong torneo ngayong taon upang mahagip ang gold medal sa men’s pole vault event ng Orlen Cup sa Poland Biyernes (Sabado sa ‘Pinas). Sinilat ng 26 na taon, may taas na 6-2 Pinoy mula sa Tondo, Maynila ang training partner at […]