Mga prison camp ng Bureau of Corrections, zero case na sa COVID 19
- Published on December 8, 2021
- by @peoplesbalita
ZERO case na o wala ni isa mang preso sa alinmang prison camp ng Bureau of Corrections ang mayroon pang COVID-19.
Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Bureau of Corrections spokesperson Assistant Secretary Gabriel Chaclag na zero COVID case na mayroon ang kanilang ahensiya.
Iyon nga lamang, may dalawa sa kanilang personnel ang kasalukuyang positibo sa virus pero nasa moderate lang naman ang sintomas ng mga ito.
Sa kabilang dako, ipinagmalaki rin ni Chaclag na mataas din ang vaccination rate ng kanilang PDL na nasa 77 % at mas mataas pa sa vaccination rate ng BUCOR personnel.
Aniya pa, may mga prison camp pa nga sila gaya ng sa CIW, sa Leyte, Ihawig at medium ganundin sa minimum security compound na kung saan, nasa 98% ng bakunado ang mga PDL.(Daris Jose)
-
Supply ng bigas sa bansa, sapat hanggang sa pagtatapos ng El Niño
KUMPIYANSA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na sasapat ang suplay ng bigas sa bansa hanggang sa pagtatapos ng El Niño phenomenon sa Pilipinas sa susunod na taon. Ito ang binigyang-diin ng pangulo kasunod ng kaniyang pakikipagpulong sa mga stakeholders ng industriya sa pangunuguna Private Sector Advisory Council at Philippine Rice Stakeholders Movement sa […]
-
Ads January 31, 2024
-
Ads October 7, 2021