• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga proyekto, programa ng gobyerno ‘wag itago sa publiko –Bong Go

UPANG malabanan ang lahat ng uri ng korapsyon, iginiit ni Senator Christopher “Bong” Go na kailangang ilantad sa mata ng publiko ang bawat ginagawa ng mga ahensiya ng gobyerno, partikular na ang proseso sa mga programa at proyekto.

 

Ipinaalala ni Go sa government agencies na tiyakin ang estriktong pagsunod sa transparency, accountability at good governance policies sa procurement process.

 

Iginiit niya na dapat na nakalantad ang lahat ng ahensiya ng gobyerno sa impormasyon ng procurement, pangalan at lugar ng bidders, resulta ng bidding at iba pang may kinalaman dito, bukod sa karaniwang postings sa Philippine Government Electronic Procurement System (PhilGEPS) at agency websites.

 

“Dapat alam ng taumbayan kung saan napupunta ang kanilang pera. Bahagi din ito ng zero-tolerance policy natin kontra katiwalian sa gobyerno,” ang sabi ni Go.

 

“Sa bawat pisong hindi nasasayang sa korapsyon ay karagdagang pisong magagamit natin sa iba’t ibang proyekto at serbisyong makadagdag ginhawa para sa ating mga mamamayan,” giit niya.

 

Ayon sa senador, sa pamamagitan ng transparency ay mababawasan, kung hindi man malalansag ang korapsyon sa pamahalaan lalo sa procurement processes, partikular ngayong pandemya.

 

“Pagbutihin pa ang procurement process ng gobyerno upang mas madaling matugunan ang mga pangangailangan sa mga kagamitan at serbisyo, lalo na sa oras ng pandemya o kalamidad, sa paraang maayos at malinis nagagamit ang pondo ng taumbayan,” ani Go.

 

Hiniling niya sa publiko na tulungan ang Duterte administration na masupil ang katiwalian sa pamahalaan sa pamamagitan ng pagsusumbong at pagbubulgar sa mga ito.

 

“Hindi naman kaya ng gobyernong mag-isa ang problema sa corruption. Kung walang nagsusumbong, mahihirapan din ang pamahalaan na tugisin ang mga corrupt sa gobyerno,” aniya.

 

Kinakailangan ani Go ng whole-of-nation approach sa paglaban sa katiwalian para matulungan ang mga awtoridad sa pagsasagawa ng fact-finding inquiries, lifestyle checks at iba pang proseso ng pagsisiyasat sa mga korap sa gobyerno.

 

“Nandiyan po ang PACC at bukas rin po ang opisina ko para tumanggap ng mga sumbong ninyo. Kung may nakikita kayong corruption sa gobyerno, huwag kayong matakot. Isumbong ninyo agad ang mga kurakot na opisyal na kilala ninyo nang matanggal sila sa puwesto at mapanagot sa kanilang kalokohan,” ayon sa senador.

 

Inamin ni Go na dismayado at pagod na si Pangulong Duterte dahil sa korapsyon sa gobyerno na parang pandemya na sumisira sa ating normal na pamumuhay.

 

“Kaya nga sabi ko dapat putilin ang daliri ng mga corrupt para hindi na makagalaw pa, hindi na makasira pa sa serbisyo ng gobyerno o makahawa pa sa mga ibang kawani ng gobyerno na nais lang magsilbi sa kapwa Filipino,” sabi ng senador. (Ara Romero)

Other News
  • Never nag-regret na nagpakasal: CARLA, wala ng chance na makikipagbalikan pa kay TOM

    NALUNGKOT ang mga fans ng Pambansang Ginoo na si David Licauco, nang aminin niya sa interview ng Kapuso Showbiz News, na nakakaranas siya ng sleep apnea, at kailangan niyang magpagamot sa isang specialist.       Ngayon pa naman namamayagpag ang career ni David sa pagganap niya bilang si Fidel, katambal si Barbie Forteza as Klay, […]

  • BINISITA at kinamusta ni Mayor John Rey Tiangco

    BINISITA at kinamusta ni Mayor John Rey Tiangco, kasama ang ibang pang mga opsiyal ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang mga pamilyang naapektuhan ng sunog na karamihan ay pansamantalang nanunuluyan sa basketball court ng Tanza National High School. Nagbigay din si Mayor Tiangco at Cong. Toby Tiangco ng tulong pinansyal sa mga nasunugan, pati na […]

  • Bagong energy sources pinatutukan ng ERC sa pamahalaan

    PINAYUHAN ni Energy Regulatory Commission chairperson Agnes Devenadera ang pamahalaan na ituon ang atensyon sa pag-develop ng mga bagong sources ng energy para makatulong sa pagbawas sa singil sa nakokonsumong kuryente ng publiko.     Mababatid na sa harap nang tuluy-tuloy na pagsirit ng presyo ng langis, inanunsyo ng Meralco noong Huwebes na itataas nila […]