• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga proyektong may kinalaman sa crime monitoring activities, irerekomenda ng DILG

IREREKOMENDA ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa incoming officials ng departamento ang mga proyektong may kaugnayan sa crime monitoring activities.

 

 

“Nasa sa kanila na po ‘yun kung gusto nilang ipagpatuloy pero highly recommended po ‘yun, kung nasimulan lang sana ng maaga nung 2019 dapat patapos na ‘yan today,’’ayon kay DILG Undersecretary Epimaco Densing III.

 

 

Gayunman, inamin ni Densing na ang isang proyekto ng departamento na hindi naisulong ay ang Safe Philippines Program dahil hindi naipalabas ang pondo na P20-bilyong piso para rito.

 

 

“Ito ‘yung paglalagay ng maraming CCTV (closed circuit television cameras), around more than 10,000 CCTVs supposedly sa buong Metro Manila na funded po ng Chinese or China import and export bank,” ani Densing.

 

 

Aniya, umatras sila sa proyekto “as early as late last year since we believe that the funding approval will come in late” idagdag pa na ang pondo ay hindi naipalabas kahit pa aprubado na ang proyekto.,

 

 

Sa paggamit naman ng body cameras sa panahon ng operayson, nanawagan naman si Densing sa susunod na administrasyon na mangyaring ipagpatuloy ito, tinukoy ni Densing na ito ang “most important project” na dapat na ipagpatuloy upang madetermina ang anumang human rights violation.

 

 

Ani Densing, ang pagbili sa body cameras ay nagsimula noong nakaraang taon, sa panahon ng liderato ng retirradong si PNP chief General Guillermo Eleazar.

Other News
  • OBRERONG DINAKIP SA PANANAKIT SA KA-LIVE-IN, WANTED

    NATUKLASAN may nakabinbin na warrant of arrest para sa kasong robbery at illegal possession of firearms and ammunition sa probinsya ng Pampanga ang isang 24-anyos na construction worker na inaresto dahil sa pananakit sa kanyang live-in partner sa Malabon city.     Si Robel Busa ng 4th St. Brgy. Tañong ay nadakip dakong 8 ng gabi […]

  • BBM: MURANG BIGAS SA BAWAT HAPAG-KAINAN NG PAMILYANG PINOY

    TINIYAK ni Partido Federal ng Pilipinas (PFP) presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., na magkakaroon ng murang bigas na hanggang P20 kada kilo sa kanyang administrasyon matapos siyang manalo sa darating na halalan sa Mayo 9.     Ayon kay Marcos, isa sa pangunahing layunin niya ay magkaroon ng subsidiya ang presyo ng bigas sa […]

  • Djokovic makakakuha ng visa para sa 2023 Australian Open

    Ang dating world number one na si Novak Djokovic ay bibigyan ng visa para maglaro sa 2023 Australian Open, sinabi ng mga ulat ng lokal na media noong Martes, sa kabila ng kanyang deportasyon mula sa bansa bago ang torneo ngayong taon sa Enero.   Nagpasya ang gobyerno ng Australia na bigyan ng visa ang […]