Mga rehiyon na may mataas na Covid-19 vaccine coverage dapat na tutukan ang pagbibigay ng booster shots —Galvez
- Published on February 24, 2022
- by @peoplesbalita
KAILANGANG tutukan ng mga rehiyon na may mataas na COVID-19 vaccine coverage ang pagbibigay ng booster shots.
Sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Lunes ng gabi, sinabi ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na 12 mula sa 17 rehiyon ng bansa ay maaari nang ikunsidera na mayroong mataas na vaccine coverage.
Ani Galvez, kailangang ituon ng pansin ng mga rehiyon na ito ang pag-aalok ng boosters habang ang natitirang limang rehiyon ay kailangan na subukan na palakasin ang kanilang primary vaccinations.
“We need to direct the 12 regions with high coverage to shift their focus to administering the boosters. Kailangan din po natin ang tulong ng mga pharmacies and medical clinics para po ma-expand ang mga boosters sa tulong ng ating private sector,” ayon kay Galvez.
“Kailangan din po na mag-dedicate tayo ng mga araw sa pagbabakuna ng boosters. At kailangan din po natin ang tulong ng lahat para hikayatin ang ating mga mamamayan na magpa-booster para tuluy-tuloy at may dagdag na proteksyon sa susunod sa future surges,” dagdag na pahayag nito.
Ani Galvez, ang limang rehiyon na nahuhuli na sa COVID-19 vaccinations ay ang Region 5 ( mayroong 69.96% fully vaccinated), CARAGA (69.75%), MIMAROPA (68.56%), Region 12 (61.25%), at BARMM (28.02%).
Sa ngayon, mayroon ng 9,709,375 booster shots na ang naiturok na sa buong bansa.
Target ng pamahalaan na gawing fully vaccinated ang 90 milyong Filipino sa pagtatapos ng Hunyo 2022. (Daris Jose)
-
Kiyomi bigatin ang makakalaban sa Tokyo Games
Aminado ang Philippine Judo Federation (PJF) na mahihirapan si Fil-Japanese Kiyomi Watanabe na makapag-uwi ng medalya mula sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan. Ito ay dahil sa bigating mga karibal ni Watanabe sa women’s -63-kilogram division, ayon kay PJF president David Carter. Ilan rito ay sina World No.1 Clarisee Agbenenou […]
-
Renomination ni Nograles bilang chairperson, OK sa CSC
WELCOME sa Civil Service Commission (CSC) ang ginawang ‘renomination” ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. kay dating cabinet secretary Karlo Nograles bilang Chairperson-designate ng nasabing ahensiya. “We were already off to a good start with Chair Karlo’s earlier brief stint at the Commission. Now that he’s back, I, together with Commissioner Ryan Acosta, as […]
-
Bukod sa pagsabak din sa maiinit sa eksena: MAVY, puring-puri ang mahusay na pagganap ni ZOREN
IDOL ng SPARKADA member na si Sean Lucas ang Kapuso heartthrob na si Miguel Tanfelix. Bilib nga raw si Sean sa talento na pinapakita ni Miguel. Magaling daw kasi itong kumanta, sumayaw at umarte. Para sa kanya ay triple threat si Miguel. Noong mag-audition nga raw si Sean sa GMA Artist […]