• September 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 24th, 2022

DOH, target ang 80% vaccine coverage sa seniors, persons with comorbidities bago pa mag-shift sa Alert Level 1

Posted on: February 24th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ni Health Secretary Francisco Duque III na 80% ng mga senior citizens at persons with comorbidities ang dapat na mabakunahan sa isang lugar bago pa ibaba sa Alert Level 1.

 

 

“Before ma-deescalate, kailangan 80 percent ng A2 at A3 ay kanilang maabot. Kung hindi makarating sa panukatan na ‘yan ay hindi tayo puwedeng mag-deescalate,” ayon kay Duque.

 

 

“Maganda po ‘tong metric sa pag-assess kung sino bang lugar ang hinog na for Alert Level 1,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Nauna rito, sinabi ng DoH na naghahanda na ang pamahalaan para sa Alert Level 1 at sa tinatawag na eventual transition ng COVID-19 pandemic sa endemic state.

 

 

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang Alert Level 1 ay magiging “new normal” ng bansa.

 

 

Sa ilalim ng Alert Level 2 — pangalawa sa pinakamababa sa bagong alert level system — may ilang establisimyento at aktibidad ang pinapayagan sa 50% capacity indoors para sa mga fully vaccinated adults (at minors, kahit pa hindi bakunado) at 70% capacity outdoors.

 

 

Sa ngayon, nakapagtala ang bansa ng  3,653,526 COVID-19 cases na mayroong 3,539,106 recoveries at 55,763 deaths.

 

 

Sa kabilang dako, sa naging pag-uulat naman ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. sinabi nito na 90 milyong Filipino ang target ng pamahalaan na mabakunahan, may kabuuang 62,505,204 ang nakatanggap ng kanilang second dose o 69%.

 

 

“We have reached an inflection point where our daily output has dramatically reduced from 1 million to less than 500,00- a day and low turnout during National Vaccination days,” ani Galvez.

 

 

Aniya pa, nakatuon ang pansin ng gobyerno sa natitirang tatlong milyong seniors at persons with comorbidities sa nagpapatuloy na vaccination efforts.

 

 

Samantala, mayroong 12 mula sa 17 rehiyon sa bansa ay maaari nang ikunsidera na mayroong mataas na vaccine coverage.

 

 

Dapat aniyang nakatuon ang pansin ng mga rehiyon na ito sa pag-aalok ng boosters, habang ang natitirang limang rehiyon ay dapat na subukan na palakasin ang kanilang primary vaccinations. (Daris Jose)

TWO PINOY ARTISTS WIN IN “MORBIUS” GLOBAL FAN ART COMPETITION

Posted on: February 24th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

COLUMBIA Pictures is happy to announce that two Filipino artists are among the five winners of the just-concluded Morbius – Talenthouse Fan Art Global Competition.

 

The winning Pinoy artists are Adriann Delmo and Jireh Villafuerte (aka Kyouzins) whose entries captured the essence of the Marvel legend, Morbius.  Lead actor Jared Leto himself selected the winners.  Delmo and Villafuerte will each receive $2,000 and their works will potentially be featured on physical posters or used as digital art to promote the film.

 

 

Check out the winning fan art below and watch the action-thriller Morbius, exclusively in Philippine cinemas March 30.

 

[Watch the film’s latest trailer at https://youtu.be/acqIwI7y1wo]

 

About Morbius

 

One of Marvel’s most compelling and conflicted characters comes to the big screen as Oscar® winner Jared Leto transforms into the enigmatic antihero Michael Morbius. Dangerously ill with a rare blood disorder and determined to save others suffering his same fate, Dr. Morbius attempts a desperate gamble.  While at first it seems to be a radical success, a darkness inside him is unleashed. Will good override evil – or will Morbius succumb to his mysterious new urges?

 

Morbius is directed by Daniel Espinosa, story by Matt Sazama & Burk Sharpless, screenplay by Matt Sazama & Burk Sharpless and Art Marcum & Matt Holloway, based on the Marvel Comics.

 

Produced by Matt Tolmach, Avi Arad and Lucas Foster. The executive producers are Louise Rosner and Emma Ludbrook.

 

The film stars Jared Leto, Matt Smith, Adria Arjona, Jared Harris, Al Madrigal with Tyrese Gibson.

 

Morbius is distributed by Columbia Pictures, local office of Sony Pictures Releasing International.  Connect with the hashtag #Morbius 

 

 

(ROHN ROMULO)

Oconer sasawatain ni Oranza, 2 iba pa

Posted on: February 24th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PAMUMUNUAN ni Ronald Oranza ang tatlong dating mga hari na na sasawata sa pagtatanggol ng titulo ni George Oconer sa pagpedal ng P3.5M 11th LBC Ronda Pilipinas na sisiklab sa Marso 11 sa Sorsogon at matatapos sa Baguio sa Mar. 22.

 

 

Magkasama sina 2020 titleholder Oconer at 2016, 2018 titlist Oranza sa Navy Standard Insurance, samantalang ang dalawa pa ay sina three-time champ Jan Paul Morales at 2015 champion Santi Barnachea ng Excellent Noodles.

 

 

Papadyak din ang Go for Gold, Philippine Army, Team Nueva Ecija, Dreyna, Eagle Cement, Champ Cafe, Bike Kings Laguna, Vantage Ilocos Norte, VPharma, Team Quezon Province at Team Ilocos Sur.

 

 

Tumataginting na P1M cash prize ang ibubulsa ng overall individual champion samantalang P200K para sa mamamayagpag na team. (REC)

Kaso ng COVID-19 sa 9 na lungsod sa Metro Manila bumaba – OCTA

Posted on: February 24th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

BUMABA ang kaso ng COVID-19 sa siyam na lungsod sa Metro Manila batay sa latest report ng OCTA Research  group.

 

 

Mula sa  data ng Department of Health, sinabi ni Dr. Guido David ng OCTA Team, sa 1,712 Bagong kaso ng COVID na naitala nitong nagdaang linggo sa bansa , 369 lang dito ang mula sa National Capital Region.

 

 

Ang siyam na lungsod na may pagbaba ng bagong kaso ng COVID ay ang Quezon City, Parañaque, Makati, Taguig, Pasay, Las Piñas, Caloocan, San Juan at Navotas na da­ting 2 ay may isa na lamang bagong kaso.

COMELEC HINAMON MGA KANDIDATO NA MAGSAMPA NG REKLAMO

Posted on: February 24th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINAMON  ni Comelec Spokesperson James Jimenez na ituloy ng mga kandidato ang kanilang unang naging pahayag na magsampa ng kaso  sa Comelec ukol sa nangyaring  pagbabaklas ng mga campaign posters sa loob ng bakuran ng  kanilang tagasuporta.

 

 

Ayon sa Comelec, dito umano magkakaroon ng linaw ang isyu.

 

 

“Bukas ang Comelec,sa pagrere-evaluate ng guidelines na ‘yan, sa pagtitingin ulit ng mga polisiya at mga prinsipyo na sinusunod natin”, pahayag ni Jimenez.

 

 

Pero of course kung gusto niyong magkaso that is perfectly well within their rights”, anang tagapagsalita ng Comelec.

 

 

Sa ngayon ayon sa Comelec ay wala pa namang naghahainan ng kaso laban sa mga ilegal poster materials.

 

 

Samantala, nanindigan naman ang Comelec na ipatutupad pa rin ang resolution no.10732 hanggang walang nagsasampa ng reklamo laban sa panuntunan kaugnay sa in person campaign. (GENE ADSUARA)

Obrero na walang face mask, kulong sa P247K shabu sa Caloocan

Posted on: February 24th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NABISTO ang dalang mahigit P.2 milyon halaga ng shabu ng isang construction worker matapos tangkain takasan ang mga pulis na sumita sa kanya dahil sa hindi pagsuot ng face mask sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Kinilala ni Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr, ang naarestong suspek na si Roldan Magluyan, 27 ng Wood Craft St., Bayanihan Baesa, Brgy., 159 ng naturang lungsod.

 

 

Ayon kay Col. Mina, dakong alas-10:30 ng gabi, nagsasagawa ng Oplan Galugad ang mga tauhan ng Caloocan Police Sub-Station 6 sa pangunguna ni PLT Mel Soniega sa kahabaan ng Bayabas St., Brgy. 164 nang mapansin nila si Magluyan na gumagala sa lugar at walang suot na face mask.

 

 

Nang tawagin ng mga pulis para alamin ang kanyang pagkakilanlan at ipaalam sa kanya ang kanyang paglabag ay hindi sila pinansin ng suspek at sa halip ay tinangka nitong tumakas.

 

 

Hinabol siya nina PCpl Jemuel Pule at Pat Joclark Cea hanggang sa maaresto at nang kapkapan ay nakuha sa suspek ang walong pirasong medium transparent plastic sachets na naglalaman ng tinatayang nasa 36.37 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P247, 316.00.

 

 

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Art 151 of RPC at RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

DILG ibinida 73.7% ‘pagbaba ng kriminalidad’ sa unang 5 taon ni Duterte

Posted on: February 24th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KUNG paniniwalaan ang Department of the Interior and Local Government (DILG), “lagpas kalahati” ang naiawas sa crime rate ng Pilipinas simula nang umupo si Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016 hanggang 2021.

 

 

Ito ang inilahad ni Interior Secretary Eduardo Año, Lunes, sa katatapos lang na talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte sa state media.

 

 

‘Pag titingnan po natin ang comparison mula po noong 2016 hanggang 2021, nakikita po natin na bumaba ng 73.76% ang crime rate. Ang mga taong ito po, Mr. President, ay saklaw po ng inyong panahon ng panunungkulan,” ani Año kagabi.

 

 

“Kaya’t patuloy itong mas naging ligtas sa ating mga komunidad sa tulong ng inyong programa kontra kriminalidad. So ito pong figure na ‘to makikita natin na mula 131,699, pagdating po ng 2021 ay 34,552 na lamang ang index crimes.”

 

 

Sinasabing nagmula ang datos mula sa ulat ng Philippine national Police (PNP), na nakapansin daw aniya ng pagbaba ng kabuuuang insidente ng krimen.

 

 

Mapapansin din daw na may pagbaba ng 3.66% mula sa total crime incidents kung ikukumpara ang 2020 sa katatapos lang na 2021, kung saan mula sa 374,277 ay nakapagtala na lang ng 360,573 bilang ng krimen.

 

 

Ang mga datos noong 2020 at 2021 ay nangyari sa gitna ng COVID-19 pandemic, kung saan nagpatupad ang gobyerno ng kaliwa’t kanang lockdowns at pagkontrol sa paglabas-masok ng taumbayan mula sa kanilang mga bahay.

 

 

Nagpatupad din ng mahihigpit na pagkontrol sa paglalakbay at nilimitahan ang mga aktibidad na maaaring gawin mula Luzon, Visayas at Mindanao.

 

 

Dagdag pa ni Año, mapapansin din ang pagbulusok ng bilang ng mga nangyaring karumal-dumal na krimeng madalas mangyari na kung tawagin ay “index crimes.”

 

 

Kabilang sa mga index crimes ang murder, homicide, rape, robbery, ang carnapping, physical injuries, at walo pangspecial complex crimes.

 

 

“So ito pong figure na ‘to makikita natin na mula 131,699, pagdating po ng 2021 ay 34,552 na lamang ang index crimes,” dagdag pa ng DILG official.

 

 

“Sa kabilang side naman po, itong peace and order indicator, ito po ‘yung pinagsama natin ng index crime at saka non-index crime. So makikita po natin sa peace and order indicator na kung saan ay bumaba po ng 5.69% noong 2021 kumpara sa 2020.”

 

 

Kung susumahin naman daw ang period mula nang umupo si Duterte hanggang 2021, kapansin-pansin namang 37% ang ibinaba ng ng peace and order indicator — mula 377,766 patungong 211,237.

 

 

Dagdag ni Año, nangangahulugan daw itong “nararamdaman” ng mga Pilipino ang pagganda ng peace and order situation habang tumataas ang kumpiyansa nilang ligtas sila sa mga kriminal.

 

 

Nangyayari ang lahat ng ito habang idinidiin ang administrasyon ni Digong sa paglabag diumano ng karapatang pantao at madugong war on drugs, na nakapatay na ng 6,225 katao ayon sa datos ng Philippine Drug Enforcement Agency.

 

 

Setyembre 2021 lang nang aprubahan ng International Criminal Court ang full investigation sa gera kontra droga at human rights situation sa Pilipinas.

 

 

Kahapon lang din nang sabihin ng Commission on Human Rights na posibleng makasuhan ang mga pulis dahil sa diumano’y kwestyonableng paraan ng pag-aresto nila sa isang community doctor na dating secretary general ng human rights group na Karapatan-Caraga.

PATAFA target ang Top 3 sa Vietnam SEAG

Posted on: February 24th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ANG PAGDUPLIKA sa nakolektang mga medalya noong nakaraang Southeast Asian Games ang hangad ng Philippine Athletics Track And Field Association (PATAFA) sa paglahok sa 31st edition sa Hanoi, Vietnam.

 

 

Noong 2019 Manila SEA Games ay humakot ang national team ng kabuuang 11 gold, 8 silver at 8 bronze medals sa ilalim ng Vietnam (16-12-10) at Thailand (12-11-12).

 

 

“This is just very, very ideal. Siguro at the very least is maintain the 11 golds, 8 silvers, 8 bronzes,” sabi kahapon ni PATAFA president Philip Ella Juico sa online session ng Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum.

 

 

Kabilang sa mga nagtakbo ng gintong medalya noong 2019 Manila SEA Games ay sina pole vaul­ter Ernest John Obiena, Fil-Am sprinter Kristina Knott, hurdler Eric Cray, pole vaulter Natalie Uy at marathon queen Christine Hallasgo.

 

 

“Most of them are still around, most of them are in shape, most of them have continued training,” ani Juico. “Of course, those who are training abroad continued. Tuluy-tuloy pa rin iyan eh.”

 

 

Magdaraos ang PATAFA ng ilang performance trials para sa mga national athletes na isasabak sa Hanoi SEA Games na nakatakda sa Mayo 12-23.

 

 

Idinagdag ni Juico na hindi lamang ang Hanoi SEA Games ang kanilang pinaghahandaan kundi maging ang 19th Asian Games sa Hangzhou, China sa Setyembre.

PNP Chief Carlos, ‘di kailangang mag-leave – DILG

Posted on: February 24th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INIHAYAG ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na hindi kailangan ni PNP Chief, PBGen. Dionardo Carlos na mag-leave o magbakasyon, sa gitna ng isinasagawang imbestigasyon sa pagbagsak ng isang police helicopter sa Real, Quezon kamakailan.

 

 

Kasunod ito ng ulat na susunduin sana ng natu­rang helicopter si Carlos at ang kanyang pamilya sa isang exclusive island resort sa Balesin noong Lunes ng umaga.

 

 

“He is still the chief PNP and it’s rightful for him to use the PNP chopper to be able to attend a forthcoming official duty when there are no other available means,” pahayag ni Año.

 

 

Wala umanong anumang pananagutan si Carlos sa pangyayari at tiniyak na ang imbestigasyon ay magpopokus sa naging sanhi ng aksidente.

 

 

Matatandaang noong Lunes ay bumagsak ang isang police helicopter sa Real, Quezon na nagresulta sa pagkamatay ng enlisted crew member na si Pat. Allen Noel Ona, at pagkasugat ng mga pilotong sina PLtCol. Dexter Vitug at PLtCol. Michael Melloria, na nilalapatan pa ng lunas sa ngayon.

 

 

Bumuo na ang PNP ng Special Investigative Task Group (SITG) na mag-iimbestiga sa insidente.

 

 

Tiniyak din ni Fajardo na sasagutin ni Carlos ang lahat ng medical expenses ng mga nasugatang pulis at pagkakalooban din sila ng tulong pinansiyal, partikular na ang pulis na namatay sa aksidente.

Panawagan sa GMA, bigyan ng show ang dalawang aktres…

Posted on: February 24th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

DINGDONG & MARIAN at BEA & DOMINIC, nakita na ring magkasama sa isang event

 

 

FOR the first time nagkasama na rin sa isang event sina Marian Rivera at Bea Alonzo.

 

 

      Naganap nga ito last twosday (02-22-2022) sa exhibit ng sikat na celebrity photographer na si Mark Nicdao na malapit sa dalawang Kapuso actress at ganun din sa kani-kanilang partner na sina Dingdong Dantes at Dominic Roque, na matagal na rin magkaibigan at magkasama sa EuroMonkeys.

 

 

Tuwang-tuwa nga ang netizens sa makita sa isang larawan ang DongYan at BeaDom, na finally nga natuloy na ang pasasama ng dalawang showbiz couples.

 

 

Inaabangan din ng netizens kung kailan kaya matutuloy ang pagbisita nina Bea at Dom at bahay nina Dong at Yan, at mag-share ng kani-kanilang fave dishes.

 

 

Dumami uli ang requests sa GMA Network na baka naman pwedeng pagsamahan sina Bea at Marian sa isang show, o pwede rin naman silang tatlo.

 

 

Ilan nga sa naging comments ng netizens:

“My dongyan heart, charot! hoping for bea-yan project this year.”

“DongYan and BeaDom.”

“OMG …..OXYGEN PLS. DALAWANG REYNA. PHILIPPINE TV AND MOVIE. MARIAN AND BEA.”

“In fairness mukhang nag-catch up na si Dom kay Bea pagdating sa itsura. Nag-mature sya, dati kasi halatang mas matanda si Bea sa kanya. Now parang magka-same age na. Or bumata din itsura ni Bea?”

“DongYan power couple, can’t say the same with Bea & Dom. Bea need someone na ka level nya.”

“Paging GMA, ano pang hinihintay niyo? Bigyan niyo ng teleserye ang tatlo. Sila na lang gawin niyong love triangle. Mas bagay pa lol. Subok na chemistry ng DongYan at DongBea kaya cguradong panalo.”

“Teleserye with Bea and Dong pls…”

“Mukhang bagay nga ang Dong and Bea sa teleserye. Beke nemen, GMA para maiba nemen lol.”

 

 

***

 

 

WHY are certain actors typecast? Is fan mentality an illness?  Why are some actors afraid ofplaying gay roles? What happens after actors have shot an intimate scene?

 

 

Have you considered the evolution of Tagalog film titles, from ’Nabasag ang Banga’ to ’Pag-ibig sa Kapirasong Banig’ to ‘The Panti Sisters’?

 

 

Ilang lang ito sa mga isyung bibigyan ng kasagutan ng award-winning veteran entertainment journalist na si Nestor Cuartero sa kanyang first movie book na PH MOVIE CONFIDENTIAL.

 

 

Magkakaroon ng book launching sa March 8 na gaganapin ito sa FDCP Cinematheque sa Maynila at sa pakikipagtulungan ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd).

 

 

Ang slim volume na naglalaman ng 130 glossy pages, na ayon sa author ay, ’is a humble collection of essays about trends, practices, beliefs, quirks and movements that helped shape the Philippine movie industry then (and now).’

 

 

Ang naturang libro ay resulta ng pagiging avid moviegoer ni Mr. Cuartero sa nakaraang anim na dekada.

 

 

Ayon pa sa kanyang, “Let’s just say a good chunk of those years had been spent as a close, firsthand observer of the industry as a working journalist covering the entertainment beat.”

 

 

Published ito ng Ultimate Learning Series by Carl Balita Review Center(CBRC) in cooperation with the Film Development Council of the Philippines (FDCP).

 

 

Ang PH MOVIE CONFIDENTIAL ay partial record ng mga taon ni Nestor bilang movie fan at entertainment journalist sa Tempo at Manila Bulletin na kung saan matagal din siyang naging entertainment editor at nagwagi ng several awards in journalism.

 

 

Ilang dito ang Grand Prize sa Primer Premio de Periodismo na mula sa Instituto Cervantes in 2000; First Prize sa 2007 La Sallian Scholarum Awards for coverage of youth and education issues in media; at nakamit din niya ang 2010 Binhi Awards’ Environment Journalist of the Year ng Philippine Agricultural Journalists (PAJ).

 

 

Mabibili ang libro sa promotional price na 400 pesos (excluding shipping), available din ito sa over 100 CBRC schools sa buong bansa.

 

 

Maaari ring mag-order sa pamamagitan ng pag-email sa nescuar@yahoo.com or via mobile phone 0917-800-5986.

(ROHN ROMULO)