• March 28, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga Senador nais suspendihin ang implementasyon ng RFID system

Naghain ng isang resolution ang mga senador upang hikahatin ang Department of Transportation (DOTr) na suspendihin ang pagpapatupad ng radio frequency identification (RFID) cashless payment scheme sa mga expressways.

 

Si Senator Grace Poe na siyang principal author ng nasabing Senate resolution 596 ang nagsabing mula sa 12 million na registered na mga sasakyan, 3 million ang wala pa na mga RFID stickers.

 

Sa nasabing datus, sinabi rin ni Poe na 6.1 million na mga registered na sasakyan ang nasa Metro Manila, Central Luzon at Calabarzon.

 

Sinabi naman ni Senate President Vicente Sotto na kanilang pinayagan ang nasabing resolution dahil sa dami ng complaints tungkol sa mga sirang RFID stickers, traffic gridlocks na sanhi ng implementasyon ng pagpapatupad ng DOTr order sa cashless toll transactions at iba pang problema na siyang dahilan upang hindi magkaron ng isang maayos at madaling access sa expressways.

 

Ang mga senators na umayon sa pag suspendi ng RFID scheme ay sila Sherwin Gatchalian, Nancy Binay, Manny Pacquiao, Imee Marcos, Ramon Revilla, Jr., Francis Pangilinan, Panfilo Lacson, Leila de Lima, Ronald dela Rosa, Joel Villanueva, Risa Honteveros, Richard Gordon, Senate Pro Tempore Ralph Recto, at Majority Leader Joan Miguel Zubiri.

 

“The DOTr should not implement the RFID system 100 percent until we are sure that it will not inconvenience the public,” wika ni Poe.

 

Samantala, ang mga motorista ay maaari pa rin na dumaan sa tollways sa Valenzuela City nang hindi nagbabayad ng fees sapagkat suspendido pa rin ang kanilang NLEX permit.

 

Nagkaron naman ng pagpupulong sila NLEX representatives at Mayor Rex Gatchalian at kanilang napagkasunduan na panatilihin ang suspension order hanggang hindi nagagawa ang system upgrade ng kumpanya ng NLEX hanggang January 30,2021.

 

“We will reinstate the company’s business permit once the RFID glitches have been fixed,” ayon kay Gatchalian.

 

Ang Metro Pacific Tollways Corp. (MPTC) na siyang operator ng NLEX ay nangako na maglalagay ng mga intrastructure para sa isang barrier-free tollway system sa mga susunod na tatlong (3) taon, na siyang magiging long-term solution sa traffic gridlocks na sanhi ng mga hindi gumaganang RFID sensors.

 

Magkaiba ang opinyon ng MPTC officials at ni Gatchalian tungkol sa pagkakaron ng toll barriers na siyang dapat na pumipigil sa mga motorista upang hindi magbayad ng kanilang toll fees.

 

Ang mga barriers ay nilagay upang tulungan ang mga awtoridad sa pagpapatupad ng transportation regulations tulad ng seatbelt and anti-overloading laws ayon sa MPTC at NLEX officials.

 

Ayon sa kanila kung aalisin ang barriers, ito ay magbibigay daan sa mga motorista na dumaan sa toll plaza na hindi nagbabayad sa pamamagitan ng pagtatakip sa kanilang RFID stickers.

 

Subalit sinabi ni Gatchalian na kung aalisin ang barriers kapag rush hours ay magkakaron ng magandang daloy ang traffic.

 

“We are committed to continuously look for ways to improve our service to the public – providing reliable, safe and convenient expressway travel experience to motorists, host communities and other stakeholders,” saad ni president at general manager J. Luigi Bautista.  (LASACMAR)

Other News
  • Duterte at BI Com Jaime Morente, inaasahang maghaharap

    INAASAHANG magkaka-face-to-face sina Pangulong Rodrigo Roa Duterte at Bureau of Immigration Commissioner Jaime Morente sa gitna ng naungkat na bribery scandal sa ahensiyang pinamumunuan nito.   Posibleng mangyari ang paghaharap ng dalawa sa susunod na cabinet meeting kung saan ay nais mismo ng Pangulo na malaman ang pagpapatakbo ni Morente sa Immigration Bureau.   Ayon […]

  • BALIK NG PBA MAY HATID NA BUTI

    KUMPIYANSA si House Deputy Speaker at NorthPort owner Michael ‘Mikee’ Romero na ang pagbibigay ng pahintulot para sa pagpapatuloy ng Philippine Basketball Association (PBA) sa Oktubre 11, ang mahusay na libangan na maibibigay ng gobyerno sa publiko ngayong may Covid-19 pa rin.   Sa kasalukuyan halos lahat sa panig ng mundo nakikipaglaban aniya sa pandemya […]

  • Valenzuelanos hinimok magparehistro para sa COVID vaccine

    Hinimok ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pamumuno ni Mayor Rex Gatchalian ang mga residente na magparehistro para sa COVID-19 Vaccines Rollout Plan o mas kilala bilang VCVax upang maging “Bakunadong Valenzuelano”.     Mag-log on lamang sa ValTrace account sa valtrace.appcase.net  at i-click ang “Vaccination Registration” button.  Ang log-in details na gagamitin ay kapareho lamang […]