• December 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga seniors at may comorbidities, ‘di nirerekomendang magpa-booster shot sa mga botika

SA KABILA ng pilot rollout ng “Resbakuna sa Botika” program ng pamahalaan, hindi inirerekomenda ng pamahalaan ang pagpapabakuna ng mga mayroong comorbidities at senior citizens sa mga drugstores.

 

 

Ayon kay Vaccine Czar, Carlito Galvez Jr., mas maigi umanong sa mga vaccination sites magpabakuna ang mga seniors at may mga comorbidities para mas mabigyan sila ng medical attention.

 

 

Sinabi ni Galvez na naisip nilang makipag-ugnayan sa mga botika para sa isasagawang booster shots dahil mahaba-haba pa ang boostering.

 

 

Aniya, sa ngayon kasi ay mababa pa ang bilang ng mga nababakunahan ng booster shots na papalo sa limang milyon.

 

 

Target naman pamahalaan na makapagbakuna ng 50 hanggang 100 na booster shots kada botika sa isang araw.

 

 

Sa loob ng dalawa hanggang tatlong linggo naman ay nais ng pamahalaan na mapalawak pa ang Resbakuna sa Botika sa iba’t ibang panig ng bansa.

 

 

Mabusisi naman daw na pinag-aaralan ng pamahalaan ang pamantayan sa pagbabakuna sa mga botika dahil mayroong mga drug stores na masisikip na hindi puwedeng mag-administer ng bakuna.

 

 

Ang mga booster shots naman na ginagamit sa ngayon ay ang Astrazeneca at Sinovac dahil hindi ito masyadong sensitibo sa iba pang klase ng bakuna gaya ng Pfizer at Moderna vaccine. (Daris Jose)

Other News
  • PBBM, hindi kasama at hindi kailanman nakasama sa drug watch list- PDEA

    MARIING itinanggi ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na kasama si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa watchlist nito para sa mga taong sangkot sa illegal drug use kontra sa akusasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.     “Based on all the foregoing facts, the PDEA asserts that President Marcos Jr. is not and was […]

  • Balitang dinumog ng Vilmanians ang movie: VILMA, inaasahang mag-Best Actress din sa ‘Manila International Film Festival’

    TUMAWAG sa amin ang isang kaibigang Vilmanian na naka-base na ngayon sa Amerika.   Ibinalita niya sa amin na punum-puno raw at dinumog ng mga Vilmanians ang pelikulang “When I Met You In Tokyo”.   Ang naturang movie nina Star for All Seasons Vilma Santos at Drama King Christopher de Leon ang opening movie para […]

  • PDu30, hindi bahag ang buntot at hindi duwag nang umatras sa debate kay Carpio; Panelo, hinamon ng debate si Carpio

    HINDI kaduwagan o pagka-bahag ng buntot ang ginawang pag-atras ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa debate nito kay retired Supreme Court senior associate justice Antonio Carpio.   Ito ang tugon ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo sa kumalat sa Twitter na hashtag #DuterteDuwag.   Sa halip kasi na si Pangulong Duterte ang makipag-one-on-one debate […]