Mga simbahan agad na tumugon sa ‘di pagsasagawa ng misa sa loob ng 2 weeks
- Published on March 23, 2021
- by @peoplesbalita
Agad na tumugon ang lahat ng mga simbahan sa National Capital Region, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal sa panawagan ng gobyerno na itigil muna ang pagsasagawa ng misa simula Marso 22 hanggang Abril 4.
Ang mga simbahan sa nabanggit na lugar ay nag-post ng mga advisory sa kanilang mga social media pages para ipaalam sa kanilang mga deboto ang nasabing desisyon na huwag magsagawa ng misa simula ngayong araw sa loob ng dalawang linggo para tuluyang mapababa ang kaso ng nahahawaan ng bagong variant ng COVID-19.
Nanawagan na lamang ang mga ito sa mga mananampalataya na makibahagi sa mga online mass at ilang mga aktibidad sa panahon ng Semana Santa.
Paglilinaw naman nila na papayagan ang mga pagsasagawa ng kasal, binyag at libing pero hanggang 10 katao lamang.
Una nang inanunsiyo kahapon ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang mga bagong patakaran sa gitna na rin nang pagsirit ng mga bagong kaso ng COVID-19.
-
3 pangalan ng heneral na papalit kay Acorda, hawak na ng DILG
HAWAK na ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos Jr. ang pangalan ng tatlong heneral na posibleng kay PNP Chief, PGen. Benjamin Acorda Jr. sa pagtatapos ng term extension nito ngayong Marso. Ayon kay Abalos, mahalaga na “output based” o laging nakabase sa resulta ang susunod na magiging PNP chief. […]
-
Tanza Marine Tree Park clean-up
PINANGUNAHAN ni Mayor John Rey Tiangco ang sama-samang paglilini sa Tanza Marine Tree Park, Navotas CIty. Hinihikayat din ng punong lungsod ang mga Navoteño na makilahok sa International Coastal Clean Up sa September 21, 2024 sa Barangay BBN Coastal, pati na sa Tanza Marine Tree Park. (Richard Mesa)
-
Kelot huli sa akto sa pampasabog sa Valenzuela
BINITBIT sa selda ang isang tambay matapos mahuli sa aktong nagbebenta ng granada sa Valenzuela City, kamakalawa ng umaga. Kinilala ni PSMS Roberto Santillan ang naarestong suspek na si Marlon Dela Cruz, 29 at residente ng Doque St., Brgy., Malanday ng lungsod. Sa report nina PSSg Julius Congson at PCpl Raquel […]