• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga simbahan agad na tumugon sa ‘di pagsasagawa ng misa sa loob ng 2 weeks

Agad na tumugon ang lahat ng mga simbahan sa National Capital Region, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal sa panawagan ng gobyerno na itigil muna ang pagsasagawa ng misa simula Marso 22 hanggang Abril 4.

 

 

Ang mga simbahan sa nabanggit na lugar ay nag-post ng mga advisory sa kanilang mga social media pages para ipaalam sa kanilang mga deboto ang nasabing desisyon na huwag magsagawa ng misa simula ngayong araw sa loob ng dalawang linggo para tuluyang mapababa ang kaso ng nahahawaan ng bagong variant ng COVID-19.

 

 

Nanawagan na lamang ang mga ito sa mga mananampalataya na makibahagi sa mga online mass at ilang mga aktibidad sa panahon ng Semana Santa.

 

 

Paglilinaw naman nila na papayagan ang mga pagsasagawa ng kasal, binyag at libing pero hanggang 10 katao lamang.

 

 

Una nang inanunsiyo kahapon ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang mga bagong patakaran sa gitna na rin nang pagsirit ng mga bagong kaso ng COVID-19.

Other News
  • PAGBEBENTA NG GAMOT SA SAR-SARI STORE IPAGBAWAL

    HIHILINGIN ng Food and Drug Administration (FDA) sa pamahalaang lokal na gumawa ng ordinansa sa pagbabawal ng pagbebenta ng gamot sa mga sari-sari store.     Ayon sa FDA, ito ay upang maiwasan ang pagbebenta ng mga pekeng gamot  na maaaring magdulot ng panganib sa kalusugan ng mga konsyumer.     Sinabi ang panukalang ito […]

  • Nicolas Cage As Dracula First Look Revealed In New Movie Set Photos

    First Look of Nicolas Cage As Count Dracula from the set of  ‘Renfield” NICOLAS Cage is a very pale-looking Dracula in first look photos from the set of Renfield. Nicholas Hoult plays the vampire’s unwilling assistant in the upcoming horror-comedy from The Tomorrow War director Chris McKay. Renfield also stars Awkwafina, Ben Schwartz, Adrian Martinez […]

  • Ads February 2, 2022