Mga sundalong kabahagi ng IATF, kuwalipikado at alam ang kanilang ginagawa sa Task Force -Malakanyang
- Published on March 25, 2021
- by @peoplesbalita
TODO-depensa ang Malakanyang sa pagtatalaga ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng mga sundalo para sa mahalagang papel na ginagampanan ng mga ito sa Inter-Agency Task Force (IATF).
Muli kasing inulan ng pamumuna at pagkuwestiyon ang pamahalaan kung bakit mga militar ang nilalagay sa Task Force.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi lamang war hero gaya ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. ang kuwalipikasyon ng mga itinatalaga sa IATF.
“Now mayroon din pong pumupula, bakit kasi sundalo ang ina-appoint dito sa IATF. Well, wala naman na-appoint sa IATF outside of iyong mga secretaries at mga namumuno ng opisina. Totoo po maraming mga military pero isang dahilan po kung bakit nagtitiwala ang ating Presidente eh dahil magaling po sa logistics ang ating mga military,” ayon kay Sec. Roque.
Sa kagaya aniya ni Galvez ay inihayag ni Roque na may kaalaman ito sa aspeto ng losgistics na nagagamit nito ngayon sa pag-aangkat ng mga bakuna.
Inihayag naman ni Galvez na may degree siya sa Project Management Major on System Modeling and Project Scheduling.
“Ang degree po namin ay sa ano po, sa Project Management Major on System Modeling at saka sa tinatawag nating Project Scheduling, iyon po ang Project Management,” ani Galvez.
Giit ni Galvez na nag- specialize siya sa leadership at system modeling na ayon naman kay Roque ay isang patunay na kuwalipikado ang mga sundalong itinatalaga sa Task Force at kanilang ini- aaplay ngayon ang kanilang kasanayan sa pag- angkat ng bakuna.
“Bale po iyan almost 18 months po iyan. Ang in-specialize ko po is sa leadership at saka po iyong system modeling, iyong modeling po ginagawa natin mga simulation, paano kukuha ng empirical data at saka iyong tinatawag nating, kino-compute po natin, iyong tinatawag na difference, iyong tinatawag nating how we will maximize iyong resources and minimize the time over output; iyon po ang pina-specialize po namin, systematic,” ayon kay Galvez.
“Importante pong malaman ng taumbayan iyan dahil hindi din nila alam na kaya kayo itilaga ng Presidente hindi lang dahil kayo ay war hero, kung hindi mayroon po talaga kayong advanced training doon sa isang field na kinakailangan pagdating sa logistics, pag-aangkat ng ating mga bakuna,” sundot na pahayag naman ni Sec. Roque. (Daris Jose)
-
Catantan dinale bronze, All-America awardee pa
NAGTULOS ng 20-1 win-loss record si Samantha Kyle Catantan ng Pilipinas para makopo ang women’s foil bronze medal at maging isa sa siyam na ginawaran All-American selection sa wakas nitong Lunes ng 2021 United States National Collegiate Athletic Association (NCAA) sa Bryce Jordan Center sa University Park, Pennsylvania. Pinagtatagpas ng 19 na taong-gulang, […]
-
2 patay sa anti-drug operations sa QC
PATAY ang dalawang drug suspek matapos na manlaban sa mga kapulisan Quezon City kamakalawa ng madaling araw. Kinilala ang mga suspek na sina Allan Canlas at Asnawi Batuas ng Brgy. Bagbag, Novaliches, Quezon City. Sinabi ni Pol. Lt. Col. Hector Amancia ng Novaliches Police, nakatunog ang mga suspek na pulis ang kanilang ka-transaksyon kaya […]
-
Obiena pumayag na makipag-ayos sa PATAFA
HANDANG makipag-ayos si Pinoy pole vaulter EJ Obiena sa Philippine Athletics Track and Field Association (Patafa) at nais din nitong maging bahagi ng national team. Sinabi nito na gaya aniya ng naging mungkahi niya noong sa PATAFA na magiging maayos na ang kaniyang magiging liquidation o kapag may mga panibagong pondo itong makuha. […]