• June 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P215-B ang ambag ng Petrochemical Industry sa ekonomiya ng bansa next year – PBBM

TINATAYANG nasa P215 billion ang magiging ambag ng Petrochemical industry sa ekonomiya ng bansa sa susunod na taon.

 

 

Ito ang inihayag ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. sa kaniyang tamulpati sa inagurasyon ng Expanded J-G Summit Petrochemicals manufacturing facility sa Batangas City.

 

 

Ayon sa Pangulo nasa kabuuang 6,2000 na direct at indirect employees ang nasabing planta na maituturing na major contributor sa industriya.

 

 

Inilarawan din ni Pangulong Marcos ang vital link sa pag-aangat ng value chain na nagtitiyak sa suplay ng kritikal na materyal sa produksiyon tulad ng plastic packaging ng mga pagkain, mga damit, applicances, mga sasakyan at electronic devices.

 

 

Pinuri rin ng Pang. Marcos ang planta na nagpapamalas ng cutting edge technology, nagpapakita sa kakayanan ng mga Pilipino at nagpapatunay ng business confidence at muling pagsigla ng manufacturing sector. (Daris Jose)

Other News
  • Aminadong ‘di madali ang mag-pursue ng career sa Hollywood: Fil-Canadian na si ALEX, masuwerteng nakatrabaho si RYAN REYNOLDS

    MASUWERTE ang Filipino-Canadian actor na si Alex Mallari Jr. dahil nagkaroon siya ng pagkakataon na makatrabaho ang aktor na si Ryan Reynolds sa Netflix sci-fi adventure film na The Adam Project.     Ginagampanan ni Mallari ang role ng kontrabidang si Christos at pinakita sa isang fight scene with Reynolds ang paggamit ng arnis sticks […]

  • 12 drug suspetcs timbog sa buy bust sa Caloocan, Malabon, Valenzuela at Navotas

    ARESTADO ang labing dalawang hinihinalang drug personalities sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Caloocan, Malabon at Valenzuela at Navotas Cities.     Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr, alas-4:15 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Major Deo Cabildo […]

  • Pasasalamat ni Marcos Jr., hindi na makapaghintay

    SINABI ni Presidential candidate at dating Senador Ferdinand Marcos Jr., Lunes ng gabi, Mayo 9, na hindi na makapaghintay ang kanyang pasasalamat sa taumbayan sa kabila ng batid niyang hindi pa kumpleto ang bilangan ng boto.     Nagbigay ng kanyang pahayag si Marcos matapos na patuloy siyang manguna sa partial at unofficial tallies ng […]