• May 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga tanggapan ng CHR, sarado hanggang Enero 21 dahil sa banta ng COVID-19

INANUNSYO ng Commission on Human Rights (CHR) ang pansamantalang pagsasara ng kanilang mga tanggapan sa Quezon City upang bigyang-daan ang contact tracing sa hanay ng mga personnel at indibidwal na nagkaroon ng transaksyon sa tanggapan kasunod ng tumataas na COVID-19 infections.

 

 

Sa ipinalabas na CHR advisory, araw ng Sabado, sinabi ng CHR na ang physical reporting ng mga tanggapan nito sa Central office, National Capital Region, at CHR Region IV-B ay pansamantalang suspendido mula Enero 17 hanggang 21 upang bigyang-daan ang contact tracing.

 

 

Gayunpaman, sinabi ng komisyon na mananatiling bukas ang kanilang official social media accounts upang matugunan ang mga hinaing at concerns ng publiko.

 

 

“The CHR hotlines and other reporting channels, including our social media accounts, shall continue to be open and ready to attend to your concerns. Please stay tuned for updates. Thank you and keep safe as well as healthy,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Inilagay ng gobyerno ang Kalakhang Maynila at 50 iba pang lugar sa ilalim ng Alert Level 3 mula Enero 16 hanggang 31  sa gitna ng tumataas na kaso ng COVID-19. (Daris Jose)

Other News
  • 70-man Chinese biz delegation, tinitingnan ang investment opportunities sa Pinas

    TINITINGNAN ng  Chinese delegation na binubuo ng 70 business executives na bumisita sa bansa na i- explore ang  investment opportunities sa Pilipinas.     Sa isang kalatas, sinabi ng Board of Investments (BOI)  na malugod na tinanggap nito ang 70-man business delegation ng  Chinese Enterprises Philippine Association (CEPA) sa pangunguna ng pangulo at Bank of […]

  • Security guard na namatay sa Ateneo shooting, pararangalan ng PNP

    PARARANGALAN ng Philippine National Police (PNP) ang security guard na kabilang sa tatlong napatay sa pamamaril sa Ateneo de Manila University.     Gagawaran ng PNP ng Medalya ng Katangi-tanging Asal or outstanding conduct award si Jeneven Bandiala dahil sa kaniyang katapangan at kabayanihan.     Sinabi ni PNP director for operations Maj. Gen. Valeriano […]

  • Penitential walk ng mga pari sa Archdiocese of Manila, hindi isang political rally

    Binigyang diin ng pamunuan ng Minor Basilica of the Black Nazarene o Quiapo Church na tanging mga Pari lamang ng Archdiocese of Manila ang kabilang sa Penitential Walk sa unang araw ng Hunyo na idineklara din bilang ‘Day of Prayer and Fasting’ sa arkidiyosesis.     Ayon kay Rev. Fr. Douglas Badong, Parochial Vicar ng […]