Mga taong may altapresyon o highblood, pinaalalahanan ni Dr. Bravo
- Published on May 21, 2021
- by @peoplesbalita
PINAALALAHANAN ni Philippine Foundation for Vaccination executive director Dr. Lulu Bravo ang mga taong may hypertension bago pa magpaturok ng bakuna laban COVID-19.
Sa Laging Handa public briefing ay sinabi ni Dr. Bravo na bago pa pumunta sa vaccination centers ang taong may altrapresyon ay kailangang siguraduhin nito na ang kanyang blood pressure ay mababa sa 140 at hindi nakakaranas ng sintomas gaya ng pananakit ng dibdib, sakit ng ulo o sakit sa batok.
“People with hypertension should also take their medication before getting vaccinated and consult their doctor if their blood pressure remains too high,” ayon kay Dr. Bravo.
Ang mga Hypertension sufferers ay classified sa ilalim ng “A3,” third priority group ng vaccination drive ng pamahalaan.
Ang grupong ito ay kinabibilangan ng mga taong may hypertension, diabetes, asthma, kidney at liver diseases.
Sa kabilang dako, itinatwa naman ni Dr. Bravo ang balita na ang mga taong highblood pressure ay hindi dapat bakunahan laban sa Covid -19.
“Kung sila ay dati nang may altapresyon, hindi naman bawal na magkaroon ka ng bakuna… Puwede kang mabakunahan,” ani Dr. Bravo,
“In fact, kailangan nilang magpabakuna kasi iyong mga may altapresyon iyong may malaking danger o risk na magkaroon ng severe COVID ‘pag sila ay na-expose,” dagdag na pahayag nito.
Samantala, sinabi ni Dr. Bravo na 3 percent lamang ang nakararanas ng adverse effects matapos mabakunahan ng coronavirus vaccines, kabilang na ang high blood pressure, fatigue, lagnat at panginginig.
Ang nasabing epekto ay tumatagal lamang ng dalawa hanggang tatlong araw.
“Those who suffered from COVID-19 even after they got vaccinated actually caught the novel coronavirus before their inoculation. Health workers account for most cases like this,” aniya pa rin.
Sinabi pa ni Dr. Bravo na nakapagtala ang mga awtoridad ng post-vaccination death subalit ito aniya ay iyong mga taong mayroon nang matagal na karamdaman bago pa nabakunahan.
“Wala po kaming nakita na ang bakuna ng Sinovac at Astra [Zeneca] ay may dahilan para sabihin nating ito po ay nakamatay o nakasama,” ani Dr. Bravo.
“Ang masasabi ko lang, magtiwala sila o ang publiko …dapat kasi po daan-daan nang eksperto po ang tumututok,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)
-
Maroons amoy na ang UAAP crown
NAITARAK ng University of the Philippines ang gitgitang 81-74 overtime win laban sa defending champion Ateneo de Manila University upang makalapit sa inaasam na kampeonato sa UAAP Season 84 men’s basketball tournament kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City. Rumatsada nang husto si Ricci Rivero nang humataw ng 19 points, 4 […]
-
Higit 300K stude sa private school lumipat na sa public -DepEd
Tinatayang nasa 300,000 estudyante mula sa private school ang lumipat na sa pampublikong paaralan para sa paparating na academic year 2020 hanggang 2021 sa gitna ng coronavirus pandemic, ayon sa Department of Education (DepEd). “Ang sabi po sa amin ng field officials namin, traditionally ang private schools, nahuhuli mag full blast ng enrollment,” ani […]
-
Maingay na videoke, karaoke, tv at radio, bawal
MAKARAANG ipasa ng Local na Pamahalaan ng Navotas ang City Ordinance No. 2020-41, pormal nang ipinagbawal sa lungsod ang paggamit ng videoke at karaoke machines na anumang makalilikha ng labis at nakapangbubulahaw na ingay sa mga araw na may online classes ang mga estudyante. Ang pagamit ng radyo, telebisyon, instrumentong pangmusika at iba pa […]