Maingay na videoke, karaoke, tv at radio, bawal
- Published on November 4, 2020
- by @peoplesbalita
MAKARAANG ipasa ng Local na Pamahalaan ng Navotas ang City Ordinance No. 2020-41, pormal nang ipinagbawal sa lungsod ang paggamit ng videoke at karaoke machines na anumang makalilikha ng labis at nakapangbubulahaw na ingay sa mga araw na may online classes ang mga estudyante.
Ang pagamit ng radyo, telebisyon, instrumentong pangmusika at iba pa na nakagagagawa ng nakapang- aabalang ingay ay bawal na rin.
“We have received a number of complaints regarding neighbors who use videoke and other machines that produce loud sounds during school hours. This makes it difficult for our students to listen to their teachers and concentrate on their studies,” ani Mayor Toby Tiangco.
Ang paggamit ng videoke, karaoke at mga katulad na gamit ay pinapayagan kapag holiday at kung araw ng Linggo, 1:00 pm hanggang 10:00 pm.
Sa ilalim ng ordinansa, ang mga lalabag sa unang pagkakataon ay pagmumultahin ng P250 habang P500 naman ang multa sa ikalawang paglabag. Ang ikatlo at kasunod pang paglabag ay may multang P1,500.
Ipawawalang-bisa ang nasabing ban sa sandaling magbalik na ang face-to-face classes. (Richard Mesa)
-
SHARON, umaming ‘devastated’ sa pinagdaraanan at humihiling na ipagdasal
WORRIED ang mga friends at fans ni Megastar Sharon Cuneta, sa Instagram post niya na devastated daw siya ngayon. Ayon kay Sharon, “Rarely has my faith in our Almighty God ever wavered.. But now, sadly, as I am only human after all, it is wavering…I am devastated. And forgive me if I cannot […]
-
Ads September 10, 2024
-
Sec. Roque, matapang na hinamon ng debate si VP Leni
MATAPANG na hinamon ni Presidential Spokesperson Harry Roque si Vice-President Leni Robredo ng isang debate. Ang dahilan ni Sec Roque, isa rin kasi sa maingay si VP Leni sa isyu ng West Philippine Sea (WPS). Sinabi kasi ni VP Leni na magkakaroon sana ng magandang diskurso sa publiko kung natuloy ang debate sa […]