• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga tinaguriang “new poor” na nalilikha ng epekto ng pandemya, maaaring manggaling sa mga OFW at nasa industriya ng turismo-Malakanyang

PARA sa Malakanyang, ang turismo at mga OFW ang sektor na pinakamatinding tinamaan ng pandemya dito sa bansa.

 

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, posibleng magmula sa nasabing sektor ang sinasabi ng World Bank na tinaguriang new poor o ang mga dati nang nakabangon sa kahirapan at maaaring muling magbalik sa kahirapan dahil sa COVID-19 shock.

 

Nakalulungkot ani Sec. Roque ang nabanggit na katotohanan subalit pilit naman aniyang gumagawa ng paraan ang pamahalaan para agapan ang lalo pang pagkakalugmok ng mga nasa turismo at mga kababayan nating nagtatrabaho sa ibang bansa.

 

Sa katunayan, isa na aniya rito ang paraan na unti-unting pagbubukas ng turismo gaya ng pagbubukas na uli ng isla ng Boracay at siyudad ng Baguio simula ngayong araw na ito.

 

Bukod pa sa nandiyan din ang TESDA, Agriculture Department at DTI na hindi lang nagpapautang sa mga OFWs na napauwi kundi nagbibigay din ng suporta sinusuportahan din po natin sila na para magkaroon ng alternatibong hanapbuhay. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Dagdag pang 600K driver’s license plastic cards, dumating na sa LTO

    TINIYAK ni Land Transportation Office (LTO) Chief Vigor Mendoza na makukumpleto na ang 3.2 milyong backlog sa plastic cards ng driver’s license sa loob ng 45-araw.     Ito ay makaraang matanggap na rin ng LTO  ang 600,000 pang piraso ng plastic cards  na ginagamit sa pag-imprenta ng driver’s license cards.     Aniya, ang […]

  • COVID-19 VACCINE STORAGE FACILITY SA MAYNILA, HANDA NA

    HANDA na ang banong Covid-19  vaccine storage facility  matapos pasinayan  nina Manila Mayor Isko Moreno Domagoso at Vice Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan.   Ang itinayong bagong COVID-19 Vaccine Storage Facility na pag-iimbakan ng mga vaccine vials na magmumula sa iba’t ibang pharmaceutical firms.   Ito’y makaraang bisitahin ng Coordinated Operations to Defeat Epidemic (CODE) […]

  • Pagpapasensiya ng mga Pinoy sa WPS dispute, umabot na sa limitasyon- Romualdez

    UMABOT na sa limitasyon ang pagpapasensiya ng mga Filipino sa patuloy na agresyon ng Tsina sa West Philippine Sea (WPS). Dahil dito, hindi sila basta-basta uupo na lamang at hayaan ang kanilang mga kababayan na magdusa. Sinabi ni Philippine ambassador to the United States (US) Jose Manuel Romualdez na iyon ang dahilan kung bakit sinang-ayunan […]