• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MGA WANTED NA DAYUHAN, IPAPA-DEPORT

INANUNSYO ng Bureau of Immigration (BI) ang pagkakaaresto ng apat na dayuhan na wanted ng awtoridad dahil sa kasong kanilang kinakaharap sa kanilang bansa.

 

 

Sinabi ni Immigration Commissioner Norman Tansingco, na ang apat na dayuhan ay nakatakdang ipa-deport pabalik sa kanilang bansa at inilagay na rin sila sa blacklist para hindi na makabalik sa bansa na inaresto sa magkakahiwalay na lugar sa Pampanga, Catanduanes at Metro Manila.

 

 

Kabilang sa mga inaresto ay dalawang Koreans, isang American at Dutch national  na pawang nakadetine na sa detention facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.

 

 

Si  Kim Won, 34, isang Korean national ay inaresto sa Clark Pampanga, na may warrant of arrest mula sa Dongbu district court sa Seoul na nahaharap sa telecommunications fraud.

 

 

Naaresto naman sa loob ng kanyang condominium unit sa  Taguig City si Kim Girok, 29, isang Korean national na may warrant of arrest mula sa Daegu district court  dahil sa pagmamantine ng prostitution racket at human trafficking scheme sa pamagitan Internet.

 

 

Sa Virac Catanduanes naman naaresto ang  Dutch national na si  Jan Cornelis Stuurman,  71 dahil sa pagiging overstaying at pinaghihinalaang siang pedopilya.

 

 

Nahaharap naman sa Fraud at laundering money instrument sa kanilang bansa  si  Steven Vernon Cross, 51, isang American national.

 

 

Bukod dito, nahatulan din si  Cross sa korte sa Kent County, Michigan dahil sa pang-aabuso sa isang bata.

 

 

Ang apat ay kabilang sa 130 na mga wanted na dayuhan na naaresto ng BI’s FSU mula January hanggang October ng taon kasalukuyan.

 

 

“They are undesirable aliens whose continued presence here poses a serious threat to public interest,” ayon kay Tansingco.  “Hence they were arrested and will be immediately deported as undesirable aliens,” dagdag pa nito. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Other News
  • RONNIE at LOISA, nawala na rin sa teleseryeng ‘Cara Y Cruz’

    TAHIMIK at hindi kami sinasagot nang tinanong namin kung bakit nawala na sina Ronnie Alonte at Loisa Andalio sa teleseryeng Cara Y Cruz na binago na ang titulo, Bagong Umaga na base na rin sa tweet ng Entertainment head ng Kapamilya network na si Direk Laurenti Dyogi.   “Soon this October, starring Tony Labrusca and […]

  • Mga gamot sa diabetes, cancer, TB at iba pa, tinanggalan ng VAT

    NAGLABAS ng kautusan ang Bureau of Internal Revenue (BIR) hinggil sa hindi pagsingil ng value-added tax (VAT) sa ilang gamot para sa cancer, diabetes, hypertension, sakit sa bato, sakit sa pag-iisip, at tuberculosis.     Sinabi ni BIR Internal Revenue Commissioner Romeo Lumagui Jr. na naglabas ito ng Revenue Memorandum Circular No. 17-2024 na nag-eexempt […]

  • ALA Boxing Promotions, nagsara; mga boxer, napaiyak

    Matapos ang 35 taon na pagpo-produce ng sikat na Pinoy Pride boxing series, tuluyan nang ibinato ng ALA Boxing Promotions ang towel at nagsara dahil sa epekto ng coronavirus pandemic at pagkasara ng ABS-CBN.   Isinara ng ALA ang kanilang promotional outfit maging ang kanilang boxing gym, na lumikha ng sikat na boksingero ng bansa […]