• September 27, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

RONNIE at LOISA, nawala na rin sa teleseryeng ‘Cara Y Cruz’

TAHIMIK at hindi kami sinasagot nang tinanong namin kung bakit nawala na sina Ronnie Alonte at Loisa Andalio sa teleseryeng Cara Y Cruz na binago na ang titulo, Bagong Umaga na base na rin sa tweet ng Entertainment head ng Kapamilya network na si Direk Laurenti Dyogi.

 

“Soon this October, starring Tony Labrusca and Barbie Im- perial with Kiko Estrada, Michelle Vito, Yves Flores and launching in her first lead role in a teleserye, Heaven Peralejo! #KapamilyaForever #BagongUmaga #HappybirthdayMichelleVito.”

Nagtanong kami sa isa pang taga-production pero ang tanging sagot sa amin, “wala na rin po, eh. Hindi ko alam.”

 

Hmm, dahil kaya true friends sina Loisa at Julia Barretto?

 

Si Julia ay umaming tinanggal sa serye noong hindi pa ito nagpapalit ng titulo dahil gusto raw ng management na pawang Star Magic talents ang bida naintindihan ito ng aktres dahil nga nagpalit na siya ng talent management, ang Viva Artist Agency.

 

Ano naman ang kuwento ni Ronnie bakit pati siya nawala? Package deal ba sila?

 

Ay naalala ko na, parang may plano na ring umalis ng Star Magic si Ronnie hindi lang namin alam kung isasama niya ang katipan niyang si Loisa. (Reggee Bonoan)

Other News
  • School na ginawang quarantine facilities ‘di dapat maging evacuation centers

    NAGPAALALA ang Department of Education na huwag gawing evacuation centers ang mga paaralang ginawang quarantine facilities.   “There are still schools that are being used as evacuation centers. But ang regulasyon namin, dapat hindi haluin. Kung may quarantine center, dapat walang evacuation center,” saad ni Education Secretary Leonor Briones sa televised briefing.   Hinikayat din […]

  • CHRISTIAN LAGAHIT, inalala na naging biktima rin ng racial discrimination na ‘di na-experience sa ‘Squid Game’

    MINSAN na raw naging biktima ng racial discrimination ang Pinoy actor sa hit Korean series na Squid Game na si Christian Lagahit.     Kahit na raw lumalabas siya sa ilang Korean movies at TV series, hindi raw maiiwasan na meron pa ring mag-discriminate sa kanya dahil sa pagiging Filipino niya.     Sa naging […]

  • Ads November 16, 2021