MGCQ pagkatapos na lang ng holiday season
- Published on November 28, 2020
- by @peoplesbalita
Ayaw ng mga mayors sa Metro Manila na luwagan ang community quarantine ngayong Christmas season upang maiwasan ang pagtaas ng bilang ng may COVID-19.
Ayon kay National Task Force Against COVID-19 chief implementer Secretary Carlito Galvez Jr. nag-iingat ang mga mayors at kung magluluwag man sa community ay pagkatapos na ng holidays.
“At the same time, nag-usap-usap po kami ng mga mayor, talagang very cautious po sila na magkaroon po ng MGCQ dito sa Manila. So ang recommendation po nila ay just in case magkaroon man ng easing of restriction ay maybe next year after the holidays,” ani Galvez.
Sinabi pa ni Galvez na maging si Mayor Sara Duterte ay nais manatili sa general community quarantine (GCQ) ang Davao City ngayong Disyembre.
“Ang nakita po natin, even iyong Davao City, nagpaalala po si Mayor Sara na Davao City magiging GCQ this holiday season,” ani Galvez.
Nanawagan din si Galvez kay Interior Sec. Eduardo Año na ipaalala sa mga opisyal ng mga local government units (LGUs) na nasa ilalim ng MGCQ na dapat higpitan ng kaunti ang galaw ng mga tao kung kinakailangan.
“So, iyon po ang pinapaalala po namin na even though iyong iba naka-MGCQ, we are calling the attention of the LGUs through our Secretary Año na sana medyo higpitan natin kaunti iyong ating mga restrictions sa mga unnecessary, non-essential movements,” ani Galvez.
Mahalaga aniyang sundin pa rin ang tinatawag na minimum health standards ngayong holiday season. (ARA ROMERO)
-
Obiena asam makuha ang 6.0 meters
ANG paglundag sa six meters ang inaasam pa ring makuha ni World No. 3 pole vaulter Ernest John Obiena. Ito kasi ang laging tinatalon ni World No. 1 at Olympic Games gold medalist Armand Duplantis ng Sweden. Sa ilang ulit nilang paghaharap ay isang beses lamang tinalo ni Obiena si Duplantis […]
-
Blue Eagles susukatin ang Falcons; Archers haharap sa Tamaraws
PUNTIRYA ng nagdedepensang Ateneo at La Salle na mapanatiling malinis ang rekord sa pagharap sa magkahiwalay na karibal sa UAAP Season 84 men’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena sa Pasay City. Aarangkada ang Blue Eagles laban sa Adamson Falcons ngayong alas-10 ng umaga, habang titipanin ng Green Archers ang Far Eastern […]
-
Biglang nadamay si Alden sa balitang breakup: SAM at CATRIONA, kumpirmadong may pinagdaraanan na sana’y ma-resolve pa
KINUMPIRMA na ng Cornerstone Entertainment, ang talent management nina Sam Milby at Miss Universe 2018 Catriona Gray, na may pinagdaraanan ang engaged couple. Ginagawa raw nila ang lahat para maayos ang anumang problema na hinaharap ng magkarelasyon. Ayon sa official statement, “We at the Cornerstone, as the talent management agency representing […]