Miami Heat abanse na 2-0 matapos muling talunin ang Sixers, 119-103
- Published on May 6, 2022
- by @peoplesbalita
ABANSE na ng dalawang panalo ang Miami Heat matapos na ilampaso ang Philadelphia Sixers sa score na 119-103 sa Game 2 ng NBA semifinals sa Eastern Conference.
Nanguna sa opensa ng Miami sina Bam Adebayo na may 23 points, Jimmy Butler na nagdagdag ng 22 points at 12 assists at si Victor Oladipo na nag-ambag ng 19 points kasabay ng kanyang 30th birthday.
Ang 10 niyang puntos ay sunod-sunod na naipinasok niya sa 4th quarter.
Ang bagong nanalo naman na Sixth Man of the Year na si Tyler Herro ay hindi rin naman nagpahuli na nagbuhos ng 18 points.
Sinamantala ng Miami ang hindi pa rin paglalaro ng big man ng Sixers at MVP candidate na si Joel Embiid.
Dahil dito nasayang tuloy ang ginawa nina Tyrese Maxey na nagtala ng kabuuang 34 points para sa Philadelphia, habang may 21 naman na puntos mula kay Tobias Harris at 20 points kay James Harden.
Ang susunod na Game 3 ay gagawin na sa teritoryo ng Sixers sa darating na Sabado.
-
Ekstensyon ng travel restrictions sa 7 bansa, pinalawig ng IATF
INAPRUBAHAN ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang ekstensyon ng travel restrictions sa mga bansang India, Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, Nepal, United Arab Emirates at Oman hanggang Hulyo 31, 2021 Partikular na nilagdaan ang IATF Resolution No. 126. Inatasan din ng IATF technical working group na muling pag-aralan at magbigay sa mga rekomendasyon sa […]
-
VICTORY PARADE NG LAKERS APEKTADO NG COVID-19
KUMPARA sa mga tradisyunal na ginagawa, kailangan munang maghintay ang mga fans ng Lakers para sa isang victory parade matapos angkinin ng koponan ang kanilang ika-17 NBA championship. Sinabi kahapon ng Lakers management na hindi sila magsasagawa ng anumang klase ng public celebration bilang pag- iwas sa pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19). “We […]
-
Comelec, sinimulan na ang pag-imprenta ng mga balota para sa 4 na gagawing plebisito
SINIMULAN na ng Commission on Elections (Comelec) ang pag-imprenta ng official ballots para sa plebisito sa Maguindanao. Inanunsiyo ng poll body na ang printing ng official ballots para sa September 17 plebiscite ay sinimulan na kahapon sa National Printing Office sa Quezon City. Noong Hunyo nang nagtakda ang poll body ng […]