Michael Jordan panalo ng $46,000 vs Chinese sportswear company
- Published on January 8, 2021
- by @peoplesbalita
Iginawad ng isang korte ang panalo sa kaso ni NBA Hall of Famer Michael Jordan laban sa isang Chinese sportswear company.
Ang naturang kaso ay may kaugnayan sa “emotional damages” at legal expenses bunsod ng trademark issues.
Ayon sa ulat ng Variety, inatasan ng korte ang Chinese sportswear at shoe manufacturer ng sapatos na Qiaodan na magbayad ng $46,000 (RMB300,000) dahil sa paggamit sa pangalan ni Jordan na walang pahintulot.
Sinasabing ang salitang “Qiaodan” na kapag na-translate ang ibig sabihin ay Jordan.
Dahil dito pinagbabayad din ang kompaniya ng $7,600 (RMB50,000) dahil sa legal expenses para sa kabuuang $53,600 na babayaran.
Binigyang diin daw ng korte na ang paggamit ng salitang “Qiaodan” ay maituturing na panloloko sa mga customers.
Inatasan din ang kompaniya na mag-isyu ng public apology.
Napag-alaman din na umaabot sa 200 trademarks cases kontra sa naturang kompaniya ang nakahain kung saan ang iba sa mga ito ay limang taon na ang nakalipas.
Mula noong taong 2012, naghain na si Jordan ng 80 mga lawsuits.
-
Federer, sa 2021 na magbabalik sa paglalaro ng tennis
Nagdesisyon si tennis star Roger Federer na hindi muna maglaro ngayong taon matapos na ito ay sumailalim sa operasyon sa kaniyang kanang tuhod. Kasalukuyan pa kasing nagpapagaling ang 20-time grand slam champion sa knaiyang operasyon na isinagawa noon pang Pebrero. Sinabi nito na kailangan muna ito ng karagdagang mabilisang arthroscopic procedure sa kaniyang […]
-
Pinoy karateka James de los Santos nasa unang puwesto na
NAKAMIT na ni Filipino karateka James de los Santos ang unang puwesto sa men’s online kata world rankings. Ito ay matapos na magwagi sa mga ginanap na virtual tournament. Base sa E-Kata Male Individual Seniors, mayroong kabuuang 8,950 na puntos si delos Santos. Nahigitan nito si Eduardo Garcia ng Portugal. Sinabi […]
-
Mahigit 9 milyong kabataang menor de edad , bakunado na laban sa Covid-19
MAHIGIT sa 9 milyong kabataang may edad 12 hanggang 17 taong gulang ang naka-kumpleto na ng kanilang Covid-19 doses habang 91,000 na may edad 5 hanggang 11 ang nakakuha naman ng kanilang initial shots “as of Monday.” “There have been no reported serious adverse events following vaccination in the country,” ayon kay National […]