• January 17, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Michael Jordan panalo ng $46,000 vs Chinese sportswear company

Iginawad ng isang korte ang panalo sa kaso ni NBA Hall of Famer Michael Jordan laban sa isang Chinese sportswear company.

 

Ang naturang kaso ay may kaugnayan sa “emotional damages” at legal expenses bunsod ng trademark issues.

 

Ayon sa ulat ng Variety, inatasan ng korte ang Chinese sportswear at shoe manufacturer ng sapatos na Qiaodan na magbayad ng $46,000 (RMB300,000) dahil sa paggamit sa pangalan ni Jordan na walang pahintulot.

 

 

Sinasabing ang salitang “Qiaodan” na kapag na-translate ang ibig sabihin ay Jordan.

 

 

Dahil dito pinagbabayad din ang kompaniya ng $7,600 (RMB50,000) dahil sa legal expenses para sa kabuuang $53,600 na babayaran.

 

 

Binigyang diin daw ng korte na ang paggamit ng salitang “Qiaodan” ay maituturing na panloloko sa mga customers.

 

 

Inatasan din ang kompaniya na mag-isyu ng public apology.

 

 

Napag-alaman din na umaabot sa 200 trademarks cases kontra sa naturang kompaniya ang nakahain kung saan ang iba sa mga ito ay limang taon na ang nakalipas.

 

 

Mula noong taong 2012, naghain na si Jordan ng 80 mga lawsuits.

Other News
  • LOVELY, labis ang pasasalamat kay KATHRYN sa bonggang wedding gown; basher, tinawag na ‘user’

    LABIS-LABIS nga ang pasasalamat ni Lovely Abella kay Kathryn Bernardo dahil sa napakagandang regalo na natanggap niya, dalawang araw bago sila ikasal ni Benj Manalo noong Sabado.     “Sobrang Thank you My Ga and Ga @janaranilla sa time and effort, Thank you so much @bernardokath sa napakagandang Gift buti na lang naihabol, salamat super @bernardokath  #benly,” post ni Lovely. […]

  • PBBM, ininspeksyon ang NFA warehouse, suplay ng bigas sapat, problema sa suplay ng sibuyas, tinutugunan

    NAGSAGAWA  ng “surprise inspection” si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa  warehouse ng National Food Authority (NFA) sa Valenzuela City, araw ng Sabado.     Nais kasi  ni Pangulong Marcos na personal na i-check ang suplay ng bigas.     At sa tanong kung sapat ang suplay ng bigas, sumagot si Pangulong Marcos sa mga mamamahayag […]

  • Fil-HK venture nanalo sa bidding ng P24B tunnel deal

    ISANG Fil-HK venture ang nanalo sa P24 billion na tunnel deal na gagamitin sa pagtatayo upang pagdugtungin ang North-South Commuter Railway (NSCR) at Metro Manila Subway Project (MMSP).       Isang notice of award mula sa Department of Transportation (DOTr) ang binigay para sa Contract Package (CP) S-03B ng NSCR sa joint venture ng […]