• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Middleman’ sa Percy Lapid killing, namatay sa Bilibid

PATAY  na ang sinasabing ‘middleman’ at kumontak sa self-confessed gunman na si Joel Escorial at tropa nito upang likidahin ang broadcaster na si Percival Mabasa o Percy Lapid ng DwBL.

 

 

Kinumpirma ni Justice Secretary Crispin Remulla na Oktubre 18 pa ng hapon namatay si Crisanto Palana Villamor, na kilala rin bilang ‘Idoy” na nag-utos umano kina Escorial na patayin ang host ng “Lapid Fire” sa pangakong babayaran sila nito ng P550,000.

 

 

Ang 42-anyos na sinasabing middleman ay namatay umano sa NBP Hospital. Isinasailalim na aniya sa awtopsiya ang bangkay nito para matukoy ang dahilan ng kanyang pagkamatay.

 

 

Sa salaysay ni Escorial, sumama sa kanya sina ‘Orly’ at magkapatid na Edmon at Israel Dimaculangan dahil naman sa utos ng isang Christopher Bacoto o Yoyoy na kilala rin bilang Jerry Sandoval.

 

 

Sa press conference, sinabi ni Southern Police District (SPD) Director Kirby John Kraft na dalawa ang nagsilbing middleman. Ito ay nasa NBP at nasa pangangalaga ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

 

 

Una nang sinabi ni Phi­lippine National Police (PNP) Office of the Deputy Chief for Administration, Police Lt. Gen. Rhodel Sermonia na sa isang jail facility lamang nakapiit ang  middleman dahil naghihintay pa ng court decision sa drug charges.

 

 

Nauna nang hiniling sa PNP ng journalist na si Roy Mabasa, kapatid ng pinaslang na brodkaster, na siguruhin ang seguridad ng sinasabing middleman dahil napakahalaga ng papel nito sa kaso para maituro ang mastermind sa krimen.

 

Sakaling may mangyari rito, mawawalan aniya ng saysay ang imbestigasyon dahil ito lang ang makakatukoy at nakakaa­lam sa pagkakakilanlan ng mastermind sa krimen.

 

 

Dahil dito, nagpaha­yag ng kalungkutan ang pamilya nina Mabasa dahil malaking dagok aniya ito sa imbestigasyon ng kaso.

 

 

“We are deeply saddened by the report abut the mysterious death of the alleged middleman on the Percy Lapid killing inside the NBP facility,” ayon sa pahayag ni Roy Mabasa.

 

 

Kahihiyan din aniya ito ng bansa dahil ilang araw pa lang ang nakalilipas nang lumutang at nasampahan ng kaso ang grupo ni Escorial at ngayon ay patay na agad ang koneksyon nito para matukoy ang utak sa krimen.

 

 

Ayon pa kay Mabasa, kailangan na may managot sa insidente. Patunay lamang anya ito ng malawakang sabwatan sa pagpatay sa kanyang kapatid.

 

 

“Saan na aabot ‘yung kaso kung walang middleman na magtuturo du’n sa mastermind? Ilang araw na po nating pinananawagan na protektahan lahat ng taong may kinalaman sa kasong ito,” dagdag pa ni Mabasa.

 

 

Nitong Miyerkules, sinampahan na ng kasong murder sa Department of Justice (DOJ) sina Escorial, magkapatid na Dimaculangan gayundin ang isang Orly, dahil sa pagpatay kay Lapid noong Oktubre 3 ng gabi sa gate ng BF Resort sa kahabaan ng Aria st. Barangay Talon 2, Las Piñas City.

 

 

Napahayag naman ng panghihinayang si DILG Secretary Benhur Abalos sa imbestigasyon ng kaso. Aniya simula day 1 ay tinutukan na nila ito at hindi inaasahan na mangyayari ito.  Gayunman titiyakin pa rin nilang mahuli ang iba pang suspek. (Daris Jose)

Other News
  • Sports na arnis kabilang na sa medal event sa 32nd SEA Games

    SA PAGKAKATAON ang Filipino martial arts na arnis ay kabilang na sa medal event ng 32nd Southeast Asian Games na gaganapin sa Cambodia sa Mayo 2023.     Isa kasi ang arnis na isinama sa 49 sports at 608 events na inanunsiyo ng Philippine Olympic Committee.     Labis naman na ikinatuwa ni Senate President […]

  • SHARON, nag-react sa basher at okay lang pintasan sila ni SEN. KIKO basta nakatutulong

    NAG-POST si Megastar Sharon Cuneta sa kanyang Instagram ng video ng pagtulong ng husband niyang si Senator Kiko Pangilinan sa mga kababayan sa Porac.     Caption niya: “Sabi ko kay Kiko, dapat nilalabas niya ang mga ginagawa niyang pagtulong, kasi laging patago! Di yung puro pang-file lang para makita ng mga apo namin pagdating […]

  • Distribusyon ng relief goods sa mga biktima ng lindol, pinangunahan ni PBBM

    PINANGUNAHAN ni Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. ang distribusyon ng  relief goods sa mga biktima ng  magnitude 7 earthquake na umuga sa lalawigan ng Abra, araw ng Miyerkules.     Sa kanyang naging pagbisita sa lalawigan ng Abra, namahagi si Pangulong  Marcos ng  relief packs  matapos ang  pakikipagpulong  nito sa mga lokal na opisyal  na  nagpaabot […]