• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MIDNIGHT VACCINATION, GINAWA SA MAYNILA

UPANG lalong dumami pa  ang mabababkunahan sa Lungsod ng Maynila, nagsagawa ng midnight vaccination  para sa mga trabahador, partikular na sa area ng Divisoria, na hindi makapunta sa vaccination sites tuwing araw dahil kailangan nilang maghanap-buhay.

 

 

Ayon kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, ang nasabing special vaccination ay ginawa ng lokal na pamahalaang lungsod sa Recto upang ang mga trabahador tulad ng mga kargador, driver, pahinante, pedicab driver, kuliglig driver, vendor ng isda, gulay, karne, mga nagbababa ng produkto na magmumula sa Northern Luzon, Central Luzon at Southern Luzon ay mabigyan ng libreng bakuna kontra COVID-19.

 

 

Nabatid na naglaan ng 1,000 doses ng Covid vaccine sa nasabing special vaccination kung saan nagsimula ng alas-10 ng gabi at matatapos hanggang alas-5 ng umaga. Masusundan pa mammayang gabi ang nasabing proyekto.

 

 

Samantala, pumalo na sa 726,257 ang naibigay na bakuna ng Manila Health Department sa lungsod ng Maynila.

 

 

Sa nasabing bilang, 559,865 ang nakatanggap ng first dose habang 166,392 ang naturukan na ng second dose.

 

 

Sa ikinasa naman COVID-19 mass vaccination kahapon, umabot sa 39,922 ang nabakunahan ng first dose gamit ang Sinovac vaccines.

 

 

Ngayong araw ay muling magpapatuloy ang pagbabakuna sa lungsod ng Maynila sa mga A1 hanggang A5 priority group para sa kanilang first dose.

 

 

Nasa tig-3,000 doses ang inilaaan sa apat na mall kabilang na dito ang SM San Lazaro, SM Manila, Robinson’s Place Ermita, at Luck Chinatown Mall habang tig-1,500 doses naman sa 18 vaccination sites na paaralan. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Bong Joon-ho, Confirms Two Follow-up Films for ‘Parasite’

    HERE’S an update on what’s next for the director of Parasite.     Director Bong Joon-ho has confirmed that he’s currently working on two follow-up films for his Academy Award-winning movie Parasite.     Through The Director’s Cut podcast, the South Korean director shared that one of the two scripts is already finished. He also confirmed that one […]

  • MMDA: Expanded number coding scheme hindi pa ipatutupad

    ANG Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ay hindi pa magpapatupad ng kanilang expanded number coding scheme kahit na ang National Capital Region (NCR) ay nasa Alert Level 1 na.     Ayon sa MMDA na kanilang naobserbahan at kanilang naitala na hindi pa rin gaanong madami ang mga sasakyan na dumadaan at gumagamit ng EDSA. […]

  • Ads May 30, 2023