Millennials, pinakamalungkot na henerasyon – survey
- Published on February 24, 2020
- by @peoplesbalita
LUMABAS sa pag-aaral na ang mga millennial ang “loneliest generation”.
Batay ito sa London-based international research data at analytics group.Lumabas sa isinagawang survey ng University of Pennsylvania sa 1,254 US adults, na 30 porsiyento ng mga millennial ang madalas na makaramdam ng kalungkutan o pakiramdam na nag-iisa kumpara sa mga “Generation X” na 20% at “BabyBoomers” na 15 porsiyento.
Ang youngest group, na nasa edad 18-22, ang naiulat na mas nakararamdam ng kalungkutan kumpara sa masmatandang henerasyon kabilang na ang may edad 72.
Nadiskubre rin na nakaaapekto sa well-being ng isang tao ang social media dahil hindi na kinakailangan pang lumabasat makipagkonekta sa ibang tao.
Masama umano ang kalungkutan na ito sa kalusugan na nakapagpapataas ng antas ng stress hormones at inflammation,na maaaring mauwi sa heart disease, arthritis, type two diabetes at dementia.
Kaya ang pagbawas daw sa paggamit ng social media ay nakakababa ng nararamdamang depresyon at loneliness.
“Here is the bottom line: Using less social media than you normally would leads to significant decreases in bothdepression and loneliness,” sabi ng isa sa may-akda ng pag-aaral na si Melissa Hunt sa YouGov.
Karamihan naman o 70 porsiyento ng mga millennial ang nagsabing mayroon silang at least isang best friend habang 49% ang may isa o apat na malapit na kaibigan.
-
Pagdating sa Pinas ng bakunang gawa ng Tsina laban sa Covid -19, maaaring ma-delay
SINABI ng Malakanyang na maaaring ma-delay ang pagdating sa bansa ng 600,000 doses ng COVID-19 vaccine mula sa Chinese firm Sinovac dahil sa kawalan pa rin ng Emergency Use Authorization (EUA) nito. Inaasahan kasing darating sa bansa ang nasabing bakuna sa Pebrero 23. “Kapag hindi po lumabas ang EUA, baka maantala rin ang […]
-
Skyway 3 mananatiling bukas
Matapos ang hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng San Miguel Corp. (SMC) at Toll Regulatory Board (TRB) dahil sa di umano ay isang pahayag ng huli na magkakaron ng walang katapusang pagsasara ang Skyway 3. Subalit sa isang inilabas na opisyal na pahayag noong March 16 ng TRB ang sinasabing walang katapusang pagsasara ng […]
-
Marcos dadalo sa coronation ni King Charles III
DADALO si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa coronation ni King Charles III sa Mayo. Ayon kay Ambassador Teodoro Locsin Jr., ang koronasyon ni King Charles at Queen Consort Camilla ay gaganapin sa Westminster Abbey sa Mayo 6, 2023 na pamumunuan ni Archbishop of Canterbury Justin Welby. Sinabi ni Locsin na […]