Mindanao Week of Peace, ipinagdiwang -Estrella
- Published on December 3, 2022
- by @peoplesbalita
DAPAT na nilalayon ng bawat Filipino ang pagdiriwang ng “Mindanao Week of Peace”.
Sinabi ni Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III na “The week-long celebration is a reminder for all Filipinos – regardless of one’s status in life, religion, or culture – should always strive to achieve lasting peace, unity, and harmony.”
“We are all Filipinos, whatever our faith, or political and religious affiliations. When we are united as one nation, we can achieve genuine sustained national development,” aniya pa rin sa pakikiisa ng DAR sa ika-25 taong pagdiriwang ng nasabing okasyon.
Umaasa si Estrella na makakamit ng Mindanao ang “lasting peace” lalo pa’t ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ay determinadong panatilihin ang natamong komprehensibong “peace process” ng bansa.
Idinagdag pa nito, bilang mandato ng Pangulo, ang peace at development sa Mindanao, na minsan nang kinubkob ng giyera at tunggalian “has been set into motion and is gaining traction.”
Samantala, para naman kay DAR Office of Mindanao Affairs Undersecretary Amihilda Sangcopan, kailangan ng bansa ng mas maraming peace warriors para palakasin ang peacebuilding initiatives sa ilalim ng banner ng “pagkakaisa” ni Pangulong Marcos.
“Nothing that is great comes easy, but by truly uniting for a common goal, I strongly believe that even the impossible can be achieved. Peace in Mindanao will not only depend on the action of our government, it also rests heavily on the commitment of our fellow Mindanaoan who most aspire for it,” wika ni Sangcopan.
Ang Mindanao Week of Peace ay ipinagdiriwang mula sa huling Huwebes ng Nobyembre hanggang unang Miyerkules ng Disyembre sa pamamagitan ng Proclamation Order No. 127, ipinalabas ni dating President Gloria Macapagal Arroyo, na “recognize the common aspirations of Mindanaoans to live in peace, unity, and harmony with each other regardless of status in life, religion or culture”.
“The celebration is also aimed at bringing people together to promote a peaceful atmosphere not only in Mindanao but throughout the country,” ayon sa ulat. (Daris Jose)
-
Gatchalian may malaking papel na gagampanan bilang Kalihim ng DSWD
KUMPIYANSA si Cavite Rep. Elpidio “Pidi” Barzaga, Jr., sa gagampanang papel ni Valenzuela Rep. Rex Gatchalian bigang bagong talagang kahilim ng Department of Social Welfare and Development DSWD). Ayon kay Barzaga, ito ay bunsod na rin sa maayos na record ng mambabatas na nagsilbing local chief executive at kongresista. Nagsilbi ng […]
-
Andi, ‘di na sanay sa ingay ng city at na-miss agad ang Siargao
NASA Manila pala ngayon si Andi Eigenmann kasama ang mga anak na sins Ellie at Lilo at hindi makauwi sa Siargao. Na-stranded ang mag-iina sa Manila at miss na nila ang bahay nila sa Siargao kunsaan ang naroon lang ay ang partner ni Andi na si Philmar Alipayo. Dahil sa magkakasunod na bagyo […]
-
PNP nakaalerto kahit ibaba sa alert level 3 ang Metro Manila
Hindi pa rin magluluwag ang Philippine National Police (PNP) sa kanilang trabaho at pagpapatupad sa mga ipinagbabawal sakaling maibaba na ang alert level sa National Capital Region (NCR). Sinabi ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar, na kung magbabago na ang alert level sa Kalakhang Maynila mula sa kasalukuyang Alert Level 4 pababa sa […]