• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Minimum wage policy, pinarerepaso

NAGHAIN  ng resolusyon si Sen. Raffy Tulfo para rebyuhin ang kasalukuyang polisiya ng gobyerno sa minimum wage increase para mapabuti ang kalidad ng buhay ng mga manggagawa, partikular na ang mga nasa lower income bracket.

 

 

Sa Senate Resolution No. 476, sinabi ni Tulfo na tila hindi sapat ang minimum wage increase noong nakaraang taon dahil ma­rami pa ring manggagawa ang nakakaranas ng problemang pinansyal.

 

 

Ang pinakahuling minimum wage increase ay noong Hunyo 4, 2022 kung saan ang rate ay mula  P533 hanggang P570 kada araw sa NCR.

 

 

Samantala, ang minimum wage hike naman sa mga probinsiya ay mula Hunyo 6-30, 2022 na mula P306 hanggang P470.

 

 

Sa kabila ng nasabing pagtaas, sinabi ni Tulfo na ang tumataas na inflation na tumaas pa sa 8.7% noong Enero 2023 ay may malaking epekto sa pamumuhay ng mga manggagawa.

 

 

“It is imperative to improve the standard of living and quality of life for workers, particularly those in the lower income bracket, and to ensure that the policies on the minimum wage increase are fair, effective, and consistent with the needs of the workers and the economy,” dagdag ni Tulfo.

Other News
  • Magkapatid na bebot timbog sa P.5M droga sa Caloocan

    NASAMSAM ng pulisya sa magkapatid na ginang na sangkot umano sa pagtutulak ng droga ang mahigit P.5 milyong halaga ng shabu makaraang maaresto sa buy bust operation sa Caloocan City, Martes ng umaga.       Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong mga suspek na sina alyas Pinky, 54 ng Brgy. […]

  • RESIDENTE SA NAUJAN,ORIENTAL MINDORO, PINAPALIKAS NG DOH

    PINAPALIKAS ng Department of Health (DOH) ang mga residente sa Naujan Oriental Mindoro at iba pang lugar na apektado ng oil spill.     Ito ang sinabi ni  Health Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire sa kanyang pagbisita nitong Linggo sa nasabing probinsya upang tignan ang sitwasyon ng mga apektadong residente matapos lumubog ang motor tanker (MT)  […]

  • DIRECTOR SAYS “SMILE” A HORROR FILM THAT FEELS LIKE A PANIC ATTACK

    SOME horror movies aim to subtly spook audiences.      Others try to make viewers squirm in their seats. But filmmaker Parker Finn had a far more ambitious goal in mind when he set out to write and direct his debut feature, Smile. “I wanted to make a movie that felt like a sustained panic attack […]