Minimum wage sa NCR ‘di na sapat, regional wage boards kailangang mag-review na – Sec. Bello
- Published on March 11, 2022
- by @peoplesbalita
NANINIWALA si Labor Secretary Silvestre Bello III na posibleng hindi na sumasapat ang minimum wage sa National Capital Region (NCR) para sa mga manggagawa at sa kanilang pamilya dahil sa mahal ng presyo sa mga produktong petrolyo at iba pang bilihin.
Inihalimbawa ni Bello ang kasalukuyang daily minimum wage sa National Capital Region na nasa P537 ay hindi aniya sapat para sa presyo ng mga pangunahing bilihin gaya ng pagkain gayundin sa iba pang gastusin sa bill ng kuryente at tubig.
Sa isang statement, inatasan ng kalihim ang Regional Tripartite Wages and Productivity Boards (RTWPB) sa buong bansa na paspasan ang pag-review sa minimum wages.
Kumpiyansa ang Labor chief na maisusumite ng board ang kanilang rekomendasyon bago matapos ang buwan ng Abril.
Aminado naman ang kalihim na malaking hamon ang pagtatakda at adjustment ng angkop na antas ng minimum wage kayat mahalaga ang pagbalanse dito.
Nauna ng nakatanggap ng mga petisyon ang RTWPB hinggil sa minimum wage increase, isa dito ang panawagang pagkakaroon ng tinatawag na uniform increase ng P750 bilang minimum wage sa buong bansa.
-
AGA at CHARLENE, nakararanas ngayon ng “empty nest syndrome” dahil sa pag-alis nina ANDRES at ATASHA
KINILIG ang maraming netizen sa paglabas ng behind-the-scenes photos nila Jennylyn Mercado at Xian Lim sa lock-in taping ng teelseryeng Love. Die. Repeat. Bagay na bagay nga raw sina Jen at Xian na magtambal at kita mo na agad ang chemistry sa kanilang dalawa. Kunsabagay, si Jennylyn naman ay bumabagay sa lahat ng […]
-
34 illegal na dayuhan, pina-deport
PINA-DEPORT ng Bureau off Immigration (BI) ang 34 illegal na dayuhan na unang naaresto sa Royal Corporation Xisheng IT, Lucky South 99 Outsourcing, at Royal Park. Ang grupo ay nahaharap sa mga kasong undocumented, overstaying, working without proper visas or permits, at working for companies other than their petitioners. Ang mga […]
-
PDU30, gustong imbestigahan ng DoH ang “false positives” ng PRC
HINILING ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Department of Health (DOH) na imbestigahan ang napaulat na reklamo tungkol sa “false positives” ng Covid-19 tests na ginawa ng Philippine Red Cross (PRC). Sa kanyang Talk to the People, araw ng Lunes ay sinabi ng Pangulo na nakatanggp siya ng ulat na mayroong “false-positive results” sa […]