• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Minors sa NCR bawal lumabas ng bahay simula Marso 17– MMDA

Ipagbabawal ang paglabas ng mga menor de edad sa National Capital Region (NCR) simula Marso 17, sa gitna ng pagtaas ng COVID-19 cases sa rehiyon, ayon sa Metro Manila Development Authority (MMDA). Ito ang sinabi ng naturang tanggapan isang araw matapos umabot sa 5,404 ang arawang pagtalon ng kaso — ang ikaapat na pinakalamaki sa kasaysayan ng Pilipinas.

 

 

Sa isang statement, sinabi ng MMDA na ang  Metro Manila Council ay mayroong binabalangkas nang resolusyon para sa mas mahigpit na mga hakbang.

 

 

Ayon sa MMDA, 17 local government units sa NCR ang sakop ng ilalabas na resolusyon na magsasabi na tanging ang mga 18-65 anyos pataas lamang ang papayagan na makalabas ng bahay simula bukas.

 

 

  • Edad na pwedeng lumabas ng bahay18-65 taong gulang simula bukas, ika-17 ng Marso
  • Banned sa susunod na dalawang linggo: edad 15-17, bagay na ipatutupad sa 17 pamahalaang lungsod ng National Capital Region (NCR).

 

 

Sinabi ni MMDA chairman Benhur Abalos na ginawa ng mga alkalde sa NCR ang desisyon na ito upang sa gayon ay maiwasan ang pagkalat pa lalo ng COVID-19 sa rehiyon. (Daris Jose)

Other News
  • Alam ng mga anak kung paano i-push ang button: YAYO, madaling maiyak ‘pag napag-uusapan ang pamilya

    SA ‘Padyak Princess’ ng TV5 ay isang single mother, si Selma, ang papel ng aktres na si Yayo Aguila.         Sa tunay na buhay, paano nakaka-relate si Yayo sa kanyang papel?         Lahad ni Yayo, “Ano, sa akin, madali lang, hindi ko kailangan humugot. Kasi parang sa akin normal […]

  • Ads August 24, 2020

  • 225 Filipino, napauwi na sa Pinas mula Ukraine

    UMABOT na sa 225 Filipino ang napauwi na sa Pilipinas mula Ukraine.     Ang pinakahuling batch ng mga repatriates, kinabibilangan ng 52 indibiduwal ay dumating sa bansa, Sabado ng gabi.     “There are 98 Filipinos outside of Ukraine who are awaiting repatriation while “a little over a hundred” chose to stay in the […]