• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MISIS TODAS, MISTER KRITIKAL SA ISUZU WING VAN

NASAWI ang isang misis habang nasa kritikal naman na kalagayan ang kanyang mister matapos ng isang Isuzu aluminum wing van salpukin ang kanilang sinasakyang bisikleta sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Si Warlita Samano, nasa hustong gulang at residente ng 74 Orchids St. Brgy. Longos, Malabon City ay died on the spot sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan habang ang kanyang asawa na si Ruel Samano, ay isinugod ng rumesponding Navotas City ambulance sa Tondo Medical Center kung saan ito patuloy na ginagamot.

 

 

Nakapiit ngayon ang driver ng Isuzu wing van (WIA-245) na kinilalang si Rodelio Lopez, nasa hustong gulang at residente ng No. 383 M Ceñidoza St. Brgy. Mambog, Binangonan, Rizal.

 

 

Sa report ni traffic police investigator P/SSgt. Boy Peñaranda kay Navotas police chief Col. Dexter Ollaging, habang sakay ang mga biktima sa isang bisikleta at tinatahak ang southbound direction ng C-3 Road, Brgy. NBBS Kaunlaran dakong alas-8:15 ng gabi nang mula sa likod ay sinalpok sila ng isang Isuzu wing van na minamaneho ni Lopez.

 

 

Sa lakas ng impact, tumilapon ang mag-asawa sa bisikleta at bumagsak sa sementadong kalsada habang kusang loob naman na sumuko sa pulisya si Lopez matapos ang insidente.

 

 

Kasong reckless imprudence resulting in homicide, serious physical injury at damage to property ang isinampa kontra kay Lopez sa Navotas City Prosecutors Office. (Richard Mesa)

Other News
  • Pagdanganan may pag-asa sa Summer Olympic Games

    BIGATIN talaga ang pagtapos ni Bianca Pagdanganan sa apat na magkakatabla sa ikasiyam na puwesto sa nitong lang Oktubre 8-11 na 58th KPMG Women’s Professional Golf Association (PGA) Championship 2020 sa Newtown Square, Pennsylvania, USA.   Ang halaga ang nagbigay sa 22 taong-gulang na tubong Quezon City at bagito pa lang na propesyonal na manlalaro […]

  • Wedding nina Jessy Mendiola at Luis Manzano magaganap mid- year of 2021

    Siyempre pa ay very proud mama si Kapuso actress Coney Reyes nang i-tagged niya ang anak na si Pasig City Vico Sotto sa kanyang Instagram post to let the whole world know that her son  is one of the People’s Choice Awardee.   “Congratulations, son! I’m so proud of you! @vicosotto #People Asia #PeoplesChoice Awardee […]

  • 3 disqualification case at 1 petisyon para sa kanselasyon ng CoC ni Marcos, ibinasura ng Comelec

    IBINASURA ng Commission on Elections (Comelec) en banc ang mga petisyon ng mga petitioner para baligtarin ang pagbasura sa mga kaso laban sa kandidatura sa pagkapangulo ni Presidential aspirant Bongbong Marcos.     Sa botong 6-0-1 ay pinagtibay ng komisyon ang pagbasura sa apat na disqualification cases laban sa dating senador.     Kabilang sa […]