Miss na miss nang mag-shooting kasama sina Alden: SHARON, pinagpapahinga ng doctor at bawal munang magsalita
- Published on July 18, 2023
- by @peoplesbalita
ILANG araw na ngang masama ang pakiramdam ni Megastar Sharon Cuneta kaya natigil muna siya pagsho-shooting ng pelikula nila ni Alden Richards, na pasok nga sa eight entries sa Metro Manila Film Festival 2023.
Sa Instagram post ni Sharon, pinagpapahinga nga siya ng doktor at hangga’t kaya ay bawal muna siyang magsalita.
Panimula ng post niya, “Went to my doctor in St. Luke’s BGC yesterday. She inserted a camera into my nose and mouth. Sobrang clogged daw ang ilong ko and my throat is so swollen and papunta nang infection kaya ang dami kong gamot ngayon.
“Nasanay na lang daw ako sa feeling ng barado ang ilong at masama ang lagay ng throat kaya di ko na narerealize pag ganon (!). Haaaay…Kasi init/ulan lagi sa shooting namin.”
Pagkukuwento pa niya, “Before my guesting sa e.a.t. TVJ, weird na ang throat ko at naapektuhan na at sinabi ko na sa shooting yon isang gabi. Kaya pala wala akong boses sa e.a.t. nung nirequest doon na kantahin ko bigla ang part ng “Bituing Walang Ningning…” Dapat pala hiningi ko magbalot ng boses!”
“Sinabi ng doc ko kailangan ko daw i-rest ang voice ko ng one week… Bukod daw sa fatigue, stress-induced daw. Kaya isang malaking “tenk yu” sa mga nagbibigay sa akin ng stress pinasa-Dios ko na kayo! May acid reflux pa ako susmaryosep…
“Haaaay naman miss na miss ko na ang set namin at mga kasama ko doon mula kay Direk Nuel @directfromncn hanggang kay @jackielou.blanco at siempre ang anak kong mahal na mahal ko at mahal na mahal ako! @aldenrichards02”
Bago ang naturang health update ni Sharon sa kanyang IG account, naibahagi niya ang screenshot ng pag-uusapan nila ni Alden, na sobrang nag-alala sa kanyang kalusugan.
Say ni Sharon na sobrang na-touch sa mensahe ng Kapuso actor, “Asked Alden if I could post this. Only because am so touched (and proud) of the way he loves his new Mama!
“He is really so sweet and mabait. What a blessing my Alden is to me and all of us on our set! I went to shooting the other day even if I woke up not feeling well, but after one scene with @jackielou.blanco and lunch, umuwi na ako kasi she and Direk Nuel didn’t want me na to push it at halos sign language na kami noon!
“Been resting and now hoping to see my doc tomorrow. I miss shooting and my “A Mother and Son’s Story” family so much! @aldenrichards02 @directfromncn.”
Ilan naman sa malalapit kay Sharon ang nagpahatid ng mensahe ng pagmamahal at panalangin ng mabilis na paggaling tulad nina Judy Ann Santos, Ara Mina, Vina Morales, Jackie Lou Blanco, Anthony Pangilinan, Beth Tamayo, Direk Nuel at marami pang iba.
Sa ngayon, kailangan talaga ni Mega na magpahinga ng bonggang-bongga at umiwas din sa stress.
(ROHN ROMULO)
-
May book signing and tour sa ibang bansa: PIA, pinasilip na ang magiging book cover ng upcoming novel
PINASILIP ni Pia Wurtzbach ang magiging book cover ng kanyang upcoming novel na may titulong ‘Queen of the Universe: A Novel: Love, Truth, Beauty.’ Sa kanyang Instagram account, nag-share si Miss Universe 2015 ng photos na hawak niya ang kanyang libro na may pink cover at white silhouette ng isang babae. […]
-
Game fixing batas lang ang katapat – Duremdes
PANGARAP ni Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) commissioner Kenneth Duremdes na masugpo ang matagal nang nagaganap na iba’t-ibang uri ng game-fixing partikular sa sport. Kaya lang, aniya ay sadya mahirap papatunayan at makakuha ng mga ebidensiya laban sa mga sangkot upang mapanagot ang mga may sala. Ayon nitong isang araw sa dating Philippine Basketball […]
-
Ads July 3, 2021