Game fixing batas lang ang katapat – Duremdes
- Published on October 3, 2020
- by @peoplesbalita
PANGARAP ni Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) commissioner Kenneth Duremdes na masugpo ang matagal nang nagaganap na iba’t-ibang uri ng game-fixing partikular sa sport. Kaya lang, aniya ay sadya mahirap papatunayan at makakuha ng mga ebidensiya laban sa mga sangkot upang mapanagot ang mga may sala.
Ayon nitong isang araw sa dating Philippine Basketball Association (PBA) Most Valuable Player at University Athletic Association of the Philippines (UAAP) coach sa Adamson Soaring Falcons, kailangan ang isang mas detalyadong batas na magpaparusa at kakklapiska sa iba’t-ibang uri ng pagbebenta at pagmamanipula sa mga laro ng sinumang player, coach o team owner.
“One of the main concerns namin is game-fixing. Very rampant talaga. But the thing is walang actual na nahuhuli. Malaking isyu ito na dapat bigyang pansin ng gobyerno at ating mga mambabatas. Iyong ebidensiya kasi talaga ang mahirap hanapin unless na may magtuturo,” litanya 46 na taong-gulang na hoops official.
Dinugtong niya, “Siguro, ang magandang gawin ang Congress natin magbuo ng batas. Hindi kasi natin kilala tulad sa isang text lang, paano kung prepaid SIM card ang gamit, mahirap i-trace dahil walang pangalan.”
Pinanapos ni Duremdes na hinihintay na lang ng liga ang resolusyon ng Department of Justice (DOJ)
Sa kinasuhan noong Nobyembre ni MPBL founder at chairman Sen. Emmanuel Pacquiao na 21 katao, kabilang ang 11 player ng SOCCKSARGEN.
Unang nasambit na rin dito sa OD nina MPBL-Valenzuela coach Gerald Esplana at PBA bench tactician Francisco Luis Alas na may alam sila sa game fixing.
Pero tulad ni Duremdes inamin nilang mahirap itong patunayan sa sangkot dahil sa kawalan ng batas upang matigil ang nabanggit ni krimen. (REC)
-
Ads March 3, 2023
-
12 candidates ni PBBM sa midterm election
2025 Senatorial Slate ng administrasyon inanunsyo na INANUNSYO ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Huwebes ang 12 prospektibong senatorial candidates ng administrasyon para sa 2025 midterm elections. Isiniwalat ang 2025 senatorial slate sa idinaos na Alyansa Para sa Bagong Pilipinas Convention 2024 sa Philippine International Convention Center sa Pasay City. […]
-
Nationwide fare discount sa PUVs, simula na sa Abril
IPATUTUPAD na simula sa Abril ang fare discount para sa mga public utility vehicles (PUVs), hindi lamang sa National Capital Region (NCR) kundi maging sa ilang piling ruta nationwide. “Sa buong bansa po natin ito ipapatupad sa mga piling ruta sa siyudad na may pinakamaraming bilang po ng mga pasahero kagaya po ng […]